{Chapter 5} *Day 2. =__=*

35 1 0
                                        

{Chapter 5} 

~ADESINA's P.O.V~

 

I can't believe it! T^T Ang sakit ng buong katawan ko! Mygaaaas! Bakit kailangan mangyari sakin ang lahat ng ito?! Anong kasalanan ba ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?! K fine. Medyo OA. =__=

Pero hindi nga! Napakasakit ng lahat sakin ngayon! Hindi ko talaga mapapatawad yung bwisit na amo ko na yon! Arrgh!! Sa mga nakaraang trabaho ko ay hindi naman ako naging ganito pero sya naman kasi binigla ako! Kakainis! Sasapakin ko talaga yon pag may time!

Hirap na hirap tuloy ako. At hindi lang yon mukha akong tanga habang naglalakad papunta sa classroom ko. Tong mga estudyante naman na to kala nyo kung sino makatingin! Ngayon lang ba sila nakakakita ng tao na mukhang robot maglakad?! Hello? Kadami kayang ganun sa anime! Yung iba nga lumilipad pa dahil kilig na kilig with matching sparks at heart heart pa sa gilid! Manong isipin nalang nila na para akong anime. Well, infairness kung magiging anime nga ako dapat may gwapo akong kapartner! :"""> Pero nah. Di ko trip yung mga ganun. Pagkain mana pa! :D

"HOY!"

"AY BWISIT!" gulat kong sabi dito sa bestfriend ko na kung saan saan sumusulpot. =___=

"Hahaha! You're so cool Ades! Anong tawag sa paglalakad mo?"

Tiningnan ko sya ng masama, "Tigilan mo ko Cyrine ah." sabi ko at saka inumpisahan ulit maglakad.

Sumabay naman sya sakin, "Eh kasi diba si Shamcey may tsunami walk, si Michael Jackson may moonwalk, eh si Adesina Merridith may anong walk?" tanong nya sabay tingin sakin na may ngiting pang-asar.

Ang aga-aga naman Cyrine! =___=

"Argh. Sabi ng tigilan mo ko eh!" sabi ko at mas binilisan pa ang lakad.

"Ano na yung sayo?" pangungulit nya na pinipigilan ang pagtawa at nagpunta pa talaga sa harap ko at lumakad ng patalikod. Nasa likod pa yung mga kamay nya, "Ano na? Robotic walk?" sabi nya at tumawa na nga ang baliw.

Napa-iling nalang ako, "Wala ka talagang magawa eh no? Napakasupportive mong bestfriend."

"HAHAHA! Sorry naman. Hindi ko kasi talaga mapigilan eh. Ano ba kasing nangyari sayo at nagka---ouch!" bigla syang napahinto dahil may nakabangga sya.

Napahinto din tuloy ako at tumingin dun sa lalaking nakabangga nya.

Aba teka.... Kilala ko to ah...

"Ano bang problema mo---" hindi na natuloy pa ni Cyrine ang sasabihin nya dahil sa nakita nya.

"W-Wixon." banggit ni Cyrine sa pangalan nung lalaki.

Oh. Anong kailangan nito ngayon? Wag mong sabihin na hindi pa nya kinakausap ang bestfriend ko matapos ko syang pagbantaan?

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon