{Chapter 3}
~ADESINA's P.O.V~
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula kay Cyrine. Nag-thank you lang naman sya sa ginawa ko. Hindi na kasi kami nakapag-usap kagabi. Kasi naman hindi na kami nagkita! Tapos nanggulo pa yung isang lalaking napakayabang. =____=
Nireplyan ko nalang sya ng walang anuman at saka ako gumayak na para magpunta sa pupuntahan ko. Alam nyo ba kung saan yun? Any idea? :D
Tama tama. Alam kong may nakahula naman kahit papaano. Pupunta ako ngayon sa bahay ni Mr. De Vivar. Medyo kinakabahan nga kasi ako dahil magkikita na naman kami. Tapos nakakahiya pa kasi sinabi kong hindi ko sya kilala eh sya pala yung super sikat na businessman dito at sa ibang bansa. Halaaaaa! Wala pa nga ako sa tapat ng bahay nila pero kinakabahan na ko ng todo todo. Bakit kaya tinakot pa nya ko sa magiging trabaho ko? Monster ba ang anak nya? Pero hindi eh. Kasi ang gwapo ni Mr. De Vivar. Sigurado gwapo din yung anak nya kung lalaki yun. Pag babae, oh well, maganda yun panigurado.
Anyway, kakadaldal ko eh nakarating na ko dito sa tapat ng........ Woah. Biglang nagningning naman ang mga mata ko. Totoo ba itong nakikita ko? As in hindi ba ito panaginip lang? Kasi naman kung makikita nyo lang tong bahay nila! Mali. Mansion pala! Grabe! Super laki! *.* Pano pa kaya nagkakakitaan ang mga tao sa loob ng mansion na to? Ang totoo nga yan, nagtanong tanong pa ko sa mga dumadaan (kahit na ang konti lang nila dahil subdivision ito) kung ito ba talaga yung tinutukoy ng address na nakasulat sa binigay sakin ni Mr. De Vivar. Lahat naman ng napagtanungan ko umoo. Syempre mabuti na yung nagsurvey para makasigurado. Mamaya pumasok ako dyan tapos hindi naman pala yun yung hinahanap ko. Eh di napahiya na naman ako. =___= Saka isa pa, marunong ang nagtatanong. :P
Lumapit na ko sa napakalaking gate na to. Kulay white lang sya pero napaka-elegante. Pang-mayaman talaga.
Sinubukan kong kumatok.
"Hello? May tao po ba dito?" alam ko mukha akong tanga dahil sa ginagawa ko. Syempre may tao sa loob! Eh malay ko naman ba kasing buksan tong napakalaking gate na to! =__= Sorry naman. Mahirap lang.
Walang sumagot. Nagtaka tuloy ako. Diba dapat may guard man lang sa likod ng malaking gate na to. Wag nyong sabihin na soundproof tong gate na to? Hala! Sobrang high tech!
Kumatok ulit ako, "Excuse me? Tao po!"
"Miss. Anong kailangan mo?" narinig kong sabi nung tao sa likod ko kaya napatingin ako.
Babae sya at nakapang-damit katulong, "Ah pinapunta po kasi ako dito ni Mr. De Vivar. Heto po oh." sabay patingin sa kanya nung card na binigay sakin ni Mr. DV (ang haba eh. =___=) kung saan nakalagay yung address nila.
Tiningnan naman nya at ngumiti sya sakin, "Oh. Ikaw siguro yung bagong P.A ni young master. Halika, pasok ka."
Young master? Kailangan talagang ganun ang tawag nila sa anak ni Mr. DV? Medyo OA.
Sumama nalang ako sa kanya. May pinindot sya dun sa may bandang gilid ng gate. Hugis square sya tas nilagay nya yung thumb nya at bumukas na agad yung gate. Wow. Astig!
BINABASA MO ANG
Stone Heart
HumorAko si Adesina Merridith De Guzman. Simpleng babae. As in simple talaga. Pero pag naayusan syempre gumaganda. Hindi ako mahilig sa make-up. Pag kinakailangan lang. Mahirap lang ako. Oo. Tama ang basa nyo. Mahirap lang ako. Kaya kailangan ko ng traba...