{Chapter 8}
~ADESINA's P.O.V~
One week na simula nung mag-umpisa akong magtrabaho bilang P.A ni young monster. Wala namang nangyari masyado sa dalawang araw pagkatapos ng 3rd day ko.
As usual balik sa pag-uutos ng imposible si young monster sakin. Actually alam na nga ng buong C.U na P.A ako ni Allen. Maraming hindi maganda ang reaction at marami din naman ang nainggit sa sitwasyon ko. May nagsabi pa nga na baka kaya daw ako nag-apply maging P.A nya eh dahil matagal ko na daw pinagpapantasyahan si Allen. =___=
San naman napulot ng walang alam na babae na yon ang sinabi nya? Buti nalang talaga at napigilan ko ang sarili ko na sugurin sya. -__- Nakakadiri! Kahit kelan hindi ko hahabulin ang isang tulad ni Allen na sobrang sama!
Masyado na siguro syang experienced sa kakautos nya dun sa mga naunang naging P.A nya. Yung mga inutos siguro niya sa kanila eh inuutos nya din sakin. Syempre para san pa ba. Eh di para pagsisihan ko ang pagiging P.A nya. =___=
Yung huling sinabi nya nga pala sakin nung 3rd day ko eh kinalimutan ko na. Wala lang naman yun friends. Arte nya lang yun para mas lalo ko syang kamuhian dahil alam nyang nandidiri ako sa kanya! Isa syang bacteria! At kapag nagsabi sya ng mga ganung salita sakin eh mas lalo ko lang syang pandidirihan! Tapos unti unti magsisisi ako at magreresign na ko bilang P.A nya! Syempre yun naman ang hinding hindi ko mapapayagan. Na uh uh. In his face! Walang talab sakin ang ganon noh!
At ito pa nga pala. Yung mga kaibigan nya lalo na si Cale! Todo kulit sakin sa school! Tuloy yung mga babae sa C.U ang sama sama na naman ng tingin sakin! =___= Kasalanan ko ba kung sadyang ipinanganak na makulit tong bubwit na to?!
Si Axel naman lalong bumabait sakin. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Allen sakin na gusto daw ako ni Axel. :/ Well gaya nga ng sabi ko maraming mahuhumaling talaga sa kanya pero wala kasi sa isip ko yang lovelife lovelife na yan. Stress ka na nga sa pag-aaral stress pa sa lovelife! Di keri teh!
So heto ako ngayon, since monday na at magsisimula na ang 2nd week ko bilang P.A ni young monster eh pinapunta ako ni tito sa office nya dito sa mansion. Day off ko pag saturday and sunday. Para naman daw mapahinga ako sa pangit na ugali ng amo ko. Nagpapasalamat naman ako dahil dun. May 2-day monster free ako! \m/
"Congratulations." nabigla ako nang magsalita si tito at ngiting ngiti sakin, "You made it ija. Hindi ka sumuko sa anak ko. Mukhang magseset ka ng new record ah."
Ngumiti din naman ako kay tito, "Hehehe. Hindi naman ho gaanong mahirap pakisamahan si Allen. Sadyang minsan eh sinasapian sya ng masamang espiritu dahilan para utusan nya ko ng mga mabibigat na gawaing hindi naman dapat binibigay sa mga babae."
Napahawak si tito sa batok nya, "I'm sorry about that ija. Ganyan kasi talaga si Allen. Walang pakialam sa mga nasa paligid nya. Kahit nga sakin at sa mga kaibigan nya eh."
Nagulat naman ako dun. Akala ko sa mga hindi nya lang talaga close sya ganun!
![](https://img.wattpad.com/cover/15170705-288-k847216.jpg)
BINABASA MO ANG
Stone Heart
HumorAko si Adesina Merridith De Guzman. Simpleng babae. As in simple talaga. Pero pag naayusan syempre gumaganda. Hindi ako mahilig sa make-up. Pag kinakailangan lang. Mahirap lang ako. Oo. Tama ang basa nyo. Mahirap lang ako. Kaya kailangan ko ng traba...