{Chapter 15}
~WIXON's P.O.V~
Nasan na ba yung babaeng yun? Kanina pa nya ko pinaghahanap sa kanya dito sa C.U ah. Anong akala nya? Maganda sya? Sexy sya? Makinis ang balat nya?
Tss. Oo na. Sya na nga yon. Pero kahit na! Ang lalaking katulad ko ay hindi nya dapat pinagtataguan! =___=
Sa kakaikot ko nakita ko bigla si Adesina. Itong babaeng to, ano bang meron sa kanya at pinagalala nya ng todo kagabi si Cody at Axel? Isama na din si Cale.
Pinuntahan ko nalang sya. Mukhang kakapasok nya palang. Nabalitaan ko nga kanina na ginantihan ni Cody yung mga babaeng nagpadukot sa kanya. Ewan ko kung anong ginawa ni Cody sa mga yon. Nakakapanibago lang dahil kilala namin si Cody na walang pakialam sa paligid nya. Pero ngayon gumagawa na sya ng mga ganito.
"Hey." tawag ko sa kanya.
Napatingin naman sya saken, "Baket?"
Tss. Eto pa ang ayoko sa kanya. May pagkasiga din kasi ang babaeng to.
"Have you seen Cyrine?"
"Mukha ba kong hanapan ng nawawalang babae?"
"Medyo. Ngayon, nakita mo ba sya?"
Napansin ko ang pagkunot ng noo nya. Aga aga naiinis agad. =___=
"Oo. Nakita ko sya. Sumama sa lalaking mahal nya."
Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Pinagsasasabi nito?
"Sumagot ka nga ng matino!" hindi ko maiwasan na hindi mapasigaw. Bigla kasi akong nainis sa sinabi nya.
Napa-smirk naman sya sa reaksyon ko.
"Alam mo ikaw. Wag ka na ngang in denial dyan! Kitang kita naman na gusto mo yung bestfriend ko eh! Kaya kung ako sayo dumamoves ka na! Bago ka pa unahan ng iba. Ganda pa naman nun." sabi nya.
"Tss. Sagutin mo na nga lang yung tanong ko."
Magsasalita na sana sya ng may sumingit samin.
"Hoy hoy hoy. Anong nangyayari dito ah?!"
Gag*ng Cale to. Panira eh.
"Miss Funny, inaasar ka ba nitong si Wixon? Gusto mo banatan ko? O baka naman dumadamoves na sya sayo ah! Akin ka lang!" maktol ni Cale sabay akbay kay Adesina.
Inalis naman ni Adesina ang pagkakaakbay ni Cale sa kanya at tiningnan nya ito ng masama.
BINABASA MO ANG
Stone Heart
HumorAko si Adesina Merridith De Guzman. Simpleng babae. As in simple talaga. Pero pag naayusan syempre gumaganda. Hindi ako mahilig sa make-up. Pag kinakailangan lang. Mahirap lang ako. Oo. Tama ang basa nyo. Mahirap lang ako. Kaya kailangan ko ng traba...