Kabanata 8

2K 48 4
                                    

AFTBBL: Kabanata 8

The skies caught my eye habang lumiliwanag ito. Sobrang ganda ng view rito sa bohol ng langit. The sunrise isn't occuring in the sea, pero napakapresko tignan ng umaga.

"Then, surely we will visit Chocolate Hills."

Dahil sa mga kwento ni Aiken tungkol rito sa Bohol ay parang halos dito na siya lumaki. Medyo excited ako dahil mukhang makakadalaw pa kami sa ibang lugar bukas.

"Oh, interesting..." Natutuwa si Chase habang sinisimsim ang kaniyang kape. "And then?"

"Let's go bonfire later!" Aya naman ni Donna. Sa kaniyang mga matang kumikinang, I am sure that she's game for it.

"Tara!" Napapalakpak pa si Alisa. "How about you Thalia, what do you think? Let's go bonfire?"

"Sounds fun." Agaran ko namang sagot at ngumiti ang mga kasama ko. Si Aiken at Bailey naman ay natuwa rin. Si Chase, hindi ko alam. He's too busy reading the newspapers…

"Grabe, Chase. You're really fond of reading, isn't it?" Nanunuyang tanong ni Bailey.

"Information is my life, Bailey. Without those everyday, para lang akong tuyong dahon. I need to know what's happening to the world everyday…"

Kahit na marami siyang ginagawa, he even bothers to read newspapers everyday? Hindi ba siya nahihirapan sa ganiyan?

Hindi ko hilig ang magbasa ng dyaryo. I don't mind interfering with the world's journalistic business. Nagbabasa lamang ako kung may gusto akong malaman sa isang partikular na balita…

Naputol ang pag-iisip ko nang mapansin ang lalaking papalabas papunta sa kung saan kami kumakain. Katulad ng kung saan kami nananghalian kahapon, doon rin kami nag-aalmusal ngayon— sa balkonahe sa tapat ng dalampasigan.

Chancellor is on his morning mode. Halatang kagigising lang. He's wearing a simple shirt, katerno noon ay isang simpleng brown shorts. Magulo ang kaniyang buhok, his cold eyes look a bit sleepy. Amoy na amoy sa kaniya ang pamilyar na Clive Christian that I usually smell in the mansion.

"Good morning." Malamig nitong bati sa lahat. Napatunganga ang lahat sa kaniya, except his brother, of course. Napangiti naman ako. I remembered one of Tita Mari's tips. Wala namang masama kung susubok muli, hindi ba?

2. Always open up a conversation with him.

"Good morning!" Masaya kong bati dahilan para mapatingin naman sa akin ang mga kasama ko. This time, kasama na rin si Chase. "Nagbreakfast ka na?" Pahabol ko pa, still the same tone and mood.

Ang paglalakad ni Chancellor ay natigil. Nagdulot iyon ng kakaibang tensyon sa kung saan nakaupo at nag-aalmusal kaming lahat. He slowly turned to me... revealing the same coldness of his eyes. He looked at me as if I'm doing something wrong!

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napaiwas ng tingin. Para bang may masama sa sinabi ko. Napayuko na lamang ako at saka bumaling sa pagkain ko sa hapag.

As expected, hindi nanaman siya sumagot. Kasabay ng marahas na pagtibok ng puso ko ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagpatuloy siyang naglakad. May tensyon pa rin akong nararamdaman, kaunti na lamang iyon marahil dahil ay hindi na ako nakatingin pa sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit… pero nakaramdam nanaman ako ng pagkapahiya. But what do I have to expect? He always do this to me. Lagi nalang niya akong ipinapahiya.

Paano kaya natitiis ng mga kaibigan at ng kapatid niya ang kasungitan ng isang 'to? Chancellor is like a dry ice. Coldness emanating from him still always stay the same. Cold… dry… bad.

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon