Kabanata 14

1.8K 42 1
                                    


AFTBBL: Kabanata 14

I was stunned by the fact that this handsome cold hearted man is lying on the floor, sounding asleep. Agad kong kinuha ang bote na may lamang Tuscany. Shit, so much of its contents are wasted.

"Chancellor."

I tried to call him para lamang magising siya, ngunit wala. He did not respond, it is probably a sign that he fallen asleep.

Ngayon ay hindi ko alam kung paano siya gigisingin. With his cold eyes, sinong magaakala na mukha siyang anghel kapag nakapikit?

"Chancellor, gumising ka."

Kahit na anong gawin ko ay hindi siya nagigising. Damn, kapag binuhat ko siya ay baka hindi ko kayanin. With his body built, marahil ay mas mabigat siya kaysa sa akin.

Tinapik-tapik ko ang mukha niya. Gosh, this is harder than I thought—ang hirap niyang gisingin. Bakit ba kasi niya lalasingin ang sarili? Do he have any problems? Parang kahapon lang ay nginingitian niya pa kami at binabati nang maayos. Now, bumalik nanaman siya sa dati niyang anyo.

His mood swings fast, e?

Tatayo sana ako upang tawagin ang ilang mga kasambahay at tulungan ako. Ngunit naudlot iyon dahil sa mainit na kamay na humawak sa aking kaliwang kamay.

"Don't leave… me…" Chancellor's drunken voice filled the room. Kumabog ang puso ko sa narinig. I even looked at his hands intertwined to mine. Bigla na lamang akong nawala sa wisyo at tila ba hindi alam ang gagawin.

Wake up, Thalia! Wake up! You shouldn't be affected by this!

"Bumangon ka diyan," Ginawa kong maawtoridad ang boses ko. Inalog alog ko pa ang kamay niya na nakahawak sa akin. Damn, ayaw matanggal! He holds my hand as if I'm a prisoner!

"Bring me… back home…" Anas niya, para bang kalungkutan ang bumalot roon. Nangunot ang noo ko sa narinig. It's the first time I heard his voice in a mournful sound.

"Chancellor, you're drunk." Sabat ko sa kaniya. He did not respond. Mas hinigpitan niya lamang ang hawak niya sa kamay ko. Napapikit ako dahil doon. I can't move any comfortable because of that. It makes me so irritated!

Ngunit wala akong magawa. Bitbit ang kamay ni Chancellor ay umupo ako nang maayos. "Chancellor… your hand."

"Please…" Nagsusumamo ang kaniyang boses. It makes my heart flutter more. Napatingin ako sa kaniyang mukha. It is as if he is in deep pain. Sa pagkunot ng kaniyang noo habang nakapikit ay parang mayroon siyang pinagdadaanan. And that's what I want to learn tonight.

"I'll bring you back home. Just let go of my hand."

Naging epektibo naman ang sinabi kong iyon—kahit hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para iyon ay sabihin pa.  His grip loosened. Umayos ako ng upo at yumuko upang alalayan siyang tumayo. "Chancellor, bumangon ka muna."

After a couple of seconds, he finally followed. Tumayo siya nang maayos mula sa pagkakahiga. Inalalayan ko siya. Mula sa bawat hakbang niya ay mukha ngang nahihilo si Chancellor. Probably the Tuscany made him all dizzy. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kaniyang hininga.

Inilakad ko siya hanggang sa kaniyang kama. His bed is covered with white sheets. Ang kaniyang lampara sa side table ay nagbibigay ng kaunting liwanag sa buong kwarto. Tumigil ako sa tapat ng kaniyang kama para kumuha ng bwelo para maihiga siya nang maayos, but it looks like that Chancellor can't take it now… bumagsak na siya sa kama… and more frustrating, he fell with me.

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon