Kabanata 18

1.8K 37 0
                                    

AFTBBL:Kabanata 18

Nang sumapit ang hapon ay agad kaming nagtungo sa kakilalang designer ni Tita Mari. She's also invited too, ibinigay na pala ni Alisa ang imbitasyon para sa kaniya kaninang umaga pa. Pumunta kami sa designer na iyon para magpahanda ng isusuot sa engrandeng kasalan bukas sa France.

Matapos kong panooring maghugas ng pinggan si Chancellor ay mas namangha pa ako sa kaniya. This bad boy knows how to do chores huh? Well… not bad.

"I know what you're thinking." Ramdam ko ang hininga ni Chancellor sa kaliwang tainga ko. Halos manlambot ako roon. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko namang nakayuko siya para maglebel na kami ng tayo. I moved backwards a bit dahil masyado siyang malapit sa akin. "Amazed because I know how to wash the dishes?"

Napairap na lamang ako. Wala akong oras para makipagtalo sa kaniya.

Kasama rin namin si Chase. Nakapandekwatro lang ito sa sofa habang hinihintay namin ang kaibigang designer ni Tita Mari. Nagbabasa lamang siya ng kung anu-anong libro na naroon sa ilalim ng table.

Nang umikot ang aking paningin sa buong mansyon na ito ay napatango-tango ako. Unlike golden chandeliers and golden materials ay pure white and glimpse of brown lamang ang nakikita ko. The view is so relaxing, ang mga furnitures ay gawa sa mamahaling kahoy. White walls were accompanied by modernized and abstract paintings. Nakakarelax ito sa mata because of those bamboo plants na nagkalat sa buong mansion. Seeing the spiral wooden staircases ay mas lalo pa akong nakumbinsi na isang henyo ang gumawa ng ganitong disenyo.

"Oh, look who's here…" Napalingon kami sa kung sino mang nagsalita. Napanganga ako roon. Her curly hair falls half neck. Her lipstick is so red na halos iyon ang una mong mapapansin sa presensiya niya.

She's pretty, that is all I can say—katulad ni Tita Mari. Ang kaniyang suot na red turtle neck sleeveless dress ay bumabalot sa kaniyang katawan. Tinernuhan ito ng black stilettos.

"Vicente brothers… hmm." Ani noong babae habang tinitignan kami isa-isa. Napataas ang kilay niya nang dumako ang tingin sa akin. "And who might you be?" She sounds so formal. Napalunok ako roon.

"Well, Tita Jenzi, that's my Mom's guest, Thalia." Pormal na tugon ni Chase. Nakatayo na siya ngayon, hawak-hawak ang librong binabasa niya.

Kaunting katahimikan ang bumalot sa amin. Parang bang sinusuri ako ni Tita Jenzi sa mga tingin niya pa lamang. I'm intimidated because of that.

"Hmm. So ikaw iyong lamang bibig ni Mariah sa akin araw-araw…" Napatango na lang ako roon. Nanlalamig ako sa kaba. With those thick eyelashes and her sharp stares, parang mahihiwa ako kahit anong oras. "Well, I'm Jenziniah. But you can call me Tita Jenzi." Those stares turned warm. Naipapakita sa kaniyang mukha ang galak. I felt relief for that.

Nginitian ko na lang siya. Sumimsim si Tita Jenzi ng kaunting wine mula sa wine glass na hawak niya. Pagkatapos noon ay dumako siya kila Chancellor. "And what business brings you here?" Tanong niya.

Napansin ko namang hindi umiimik si Chancellor. Ang tingin niya ay umiikot sa buong mansion. Cold stares are on.

"Well, you see, Tita Jenzi. We have another wedding celebration to attend tomorrow so…" Panimula ni Chase. He slightly combed his brown hair. "…we need to purchase your works again."

Napahalakhak si Tita Jenzi. "Well, if that's the case...magsimula na tayo." Inilahad niya ang kaniyang kamay patungo roon sa wooden staircase.

The mystery hit me kung kaya't nagkaroon ako ng excitement sa aking katawan. I'm thrilled by those works Chase is talking about.

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon