AFTBBL: Kabanata 19
Day one.
Balik eroplano nanaman kami. But this time, kasama na namin si Tita Mari. We chose to depart with a private plane para hindi na kami maghintay pa sa airport. Ang masasabi ko lamang ay nagiging mas mataas ang tingin ko sa kanila.
Kasama rin namin si Tere. Tita Mari suggested to make her join para maenjoy niya rin ang sarili niya. Halos ay hindi na ito nagdeday-off sa kaniyang trabaho.
"That loyal employee..." Ani Tita Mari. Binubulungan niya ako ngayon. "I also bought a gown for her. Please don't tell anybody."
Napatango ako. Guess what? Isasama rin siguro si Therese sa celebration.
Nandito na kami sa loob ng private plane. Galing ito sa pamilya nila Alisa. Ngayon ay mas humanga pa ako. They are all bigtimes, wala na akong masasabi pa roon.
Si Chase, Chancellor, Tita Mari, at Therese lang ang kasama ko. Of course, isama mo na rin ang operator ng private plane.
"Ma'am, malapit na po tayo." Ani noong operator at napatango naman si Tita Mari.
"Well then, kailangan na nating maghanda." Huminga siya nang malalim at saka tumayo. Ang mga gamit ay naroon sa likuran, inayos iyon kanina bago pa man kami nakapasok.
The flight is approximately 17 hours. Maaga talaga kaming umalis para makarating sa tamang oras.
"So, nauna na roon sila Alisa?" Tanong ni Tita Mari kila Chase habang nag-aasikaso ng mga gamit. Chase had just finished reading a novel.
"It's literally obvious, sila ang may event kung kaya't mauuna sila." Diretsong sagot ni Chase. Nakaunat lang ang kaniyang likod sa airplane seat.
Humalakhak si Tita Mari. "That's what I love about you, son."
Umiling na lamang ako at lumayo roon. Lumapit ako sa kinauupuan ni Therese. She's just wearing simple jeans and gray shirt. Nakatirintas ang kaniyang buhok, making her look attractive. Napangiti ako roon at tumabi ako sa kaniya.
"Anong masasabi mo?" Tanong ko. It's as if ako ang nagbayad ng eroplano na ito. Duh, huwag ka nang umasa, Thalia.
Tumawa nang kaunti si Therese. Halata sa kaniya ang kaba. "Ang ganda... ngayon lang ako nakasakay rito."
Tumango ako at napatingin sa mga ulap sa labas. Tanghali na sa parteng ito ng mundo. Ang malakas na sikat ng araw ay mas lalong nakapagpaganda sa mga ulap na nakikita ko, they all look fluffy and soft to touch.
Ramdam ko na ang paglapag ng eroplano sa France. Namangha naman ako nang makita ang labas ng eroplano. We're really in France and I just can't believe it!
Ang France ay isa sa mga pinapangarap kong marating. They always say that France is a great place for relaxation. I guess that's true. Based on my researches, most lovers come here. Ang tema ng bansang ito ay mapapalapit ang sinuman. It will make you come back for more.
"And we're here! France!" Tita Mari exclaimed when we just came out. Rinig ko ang kabado pang pagtawa ni Therese. Looks like this is a dream come true for her... well pati na rin ako.
"Well, Alisa's family never fail to choose the right places." Nakasuot na ngayon ng shades si Chase, hawak ang hawakan ng kaniyang maleta. "I'm excited too..."
Napalinga-linga ako sa paligid, realizing that Chancellor's missing in action.
"Bro', 'kala ko babalik ka na ng Pilipinas e." Halakhak ni Chase nang makita si Chancellor na lumabas. Mukha siyang bagong gising. His messy brown hair looks so perfect for his face.
BINABASA MO ANG
Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)
General FictionWhen all you have is your mother and you're willing to risk everything... until it gets good, bad, and best, forever. Ganoon talaga kapag kinuha mo ang pagmamahal ng isang bad boy. 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 || 𝘣𝘢𝘥 𝘣𝘰𝘺𝘴 𝘴𝘦𝘳𝘪𝘦𝘴.