Simula

6K 86 6
                                    

is under editing and so sorry po for the misled plots! my old, writing self was so clumsy back then. sa ngayon po, i hope you enjoy reading! luv u.

Aiming for the Bad Boy's Love
written by christelle

Simula

Alang-alang sa pangarap, gagawin ko ito. Alang-alang sa pera, gagawin ko ito. Alang-alang kay Mama, gagawin ko ito.

Hindi ako komportable sa suot ko. With this fancy short tight dress and high stilletto, hindi ko alam kung kakayanin ko pang gumalaw nang maayos. Ang pagdiriwang na ito ay masyado pang malaki  para ikutin. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang 'main subject' ng misyon ko.

"Oh, you are already here!" May yumakap sa aking isang nasa mid 30's na babae— she has long fine straight hair at nakasuot siya ng simpleng dress, making her look like a teenager. Ito na siguro 'yung naghire sa akin. "Good evening, hija." Bati niya sa akin sabay beso sa pisngi ko.

"Good evening rin, ho." Napilitan akong ngumiti. I'm not really comfortable with my clothing. Ugh, kung hindi lang talaga sa pera…

"Siguro alam mo na kung anong ipinunta mo rito?" Tila nanunuya pa siya sa kaniyang boses. Tumango na lamang ako. "You are going to tame my son.... I'm really annoyed na hanggang ngayon ay wala pa siyang sineseryosong babae. My gosh! Ang tanda-tanda ko na." Bigla na lamang napasimangot ang babae.

Pagkatapos noon ay umaliwalas muli ito. Naglahad siya ng kamay sa akin. "By the way, ako ang naghire sa'yo. I'm Mariah Vicente. Or you can call me Tita Mari."

Nang masabi niya ang pangalan ay humagip ang malamig na hangin sa likod ko, causing me to feel sudden goosebumps. Marahil ay galing ito sa aircon ng venue. Napilitan tuloy akong tanggalin ang bun sa buhok ko para matakpan ang likod ko ng buhok. Damn backless clothes!

Natawa si Tita Mari sa ginawa ko. "Mas maganda ka kapag nakaladlad ang buhok, hija. That's the power. I know you'll get success eventually." Unti-unting lumapit sa akin si Tita Mari. Hinawakan niya ang braso ko. Pagkatapos noon ay bumulong pa siya sa akin. "In case you don't know my son, his name is Chancellor. You'll find him here." Bumitaw rin siya sa akin. Ang mapula at mahahaba niyang kuko ay bumakat sa braso ko, making my skin a little pinkish.

"Anyway, I'll give you the money you need once you completed your job. Sa ngayon, you must get going at asikasuhin ang pinapagawa ko." Ngayon ay mas naging maawtoridad na ang boses niya. "I must go, hija! Good luck, and I'm counting on you." Nagbeso muli siya sa akin at iniwan ako sa gitna ng mga kumpulan ng mga taong nandito.

Inilibot ko muna ang paningin bago ko sinimulang gumalaw. The whole venue looks just so casual, parang tipikal na mga party lang na madalas kong nakikita noong isinasama ako ng mga mayayaman kong mga kaibigan sa ganito. May mga round tables na nakakalat sa buong ground floor, meron namang hilera ng mga mesang punung-puno ng pagkain sa bandang harap. Napaka-galante ng dating maging ang mga sound system. I wonder whose party is this?

Pinilit kong maglakad kahit na hindi ako sanay sa suot kong stilettos. Isa ito sa mga ipinadala sa akin ni Tita Mari para aking isuot.

Dumiretso na akong maglakad. Habang humahakbang ay hindi ko maiwasang maconscious sa galaw ko. Bakit ba kasi ito ang ipinasuot sa akin ni Tita Mari? It is as if I'm going to seduce her son!

Nagulat na lang ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Dahil sa kaba ay napatili ako. Well, I'm thankful na wala gaanong nakarinig dahil sa lakas ng tugtugan dito sa loob ng party.

"Hi Miss, what's your name…" Pagkalingon ko ay isang lalaking lasing pala ang tumapik sa akin. He's wearing a polo shirt. Two buttons were opened, revealing his chest. Bigla akong dinapuan ng kaba. Paano kung may gawin sa akin itong masama? I'm sure it's because of the dress I'm wearing kaya may mga lumalapit sa aking mga manyakis ngayon!

"Uhm, excuse me… I'm not in the mood to talk right now." Dumiretso ako para lagpasan ang lalaki, pero nanlaki ang mga mata ko nang hatakin ako nito pabalik. Sobrang lapit na ng katawan niya sa akin. Damn!

"You're so beautiful, miss. Please come with me…" Napapapikit na lang ako sa takot. I smell beer from his mouth. Shit! Nandito ako para gawin ang trabaho ko, tapos mababastos lang ako nang ganito?! Ng ganito kacheap na mga tao?! Damn it!

"A-ano ba! Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Halos tumitili na ako pero walang pumapansin! Seems like everyone is busy with the party! Shit!

"A-Ano ba!" Nagpumiglas pa ako. Sobrang lakas niya na halos mahalikan na niya ako! Ipinikit ko ang mga mata ko not just to see his disgusting face.

"Shut up—" biglang naputol ang sinasabi ng lalaki nang makarinig ako ng pagkakabalibag. The sound system stopped. I feel like everyone's staring at us kung kaya't napamulat ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking lasing na nakahilata, walang malay. Dahil doon ay napatingin ako sa mga taong nakikiusisa na sa nangyayari. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na may telang bumalot sa katawan ko, long sleeves to be exact. And just when I turned to see who did it…

"Sa susunod, kung ayaw mabastos, 'wag magpabastos." He said coldly, in a low tone.

Napukaw agad ng matapang niyang mga mata ang sarili kong mata. It is as if he's piercing my personality, parang ako ang pinariringgan niya. Ang presensiya niya ang nagsasabi sa'kin na siya ang sumuntok sa manyakis na nakahilata sa harap naming lahat!

Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng mukha niya. Simple lang ang masasabi ko, he got the looks and the body built. Bigla akong naspeechless dahil sa personality na bumabalot sa kaniya—maawtoridad, malamig… matapang.

"Chancellor!" Nabigla ako nang tawagin siya ng isang babaeng papalapit sa amin. Nagpabalik-balik ng tingin ang babae sa aming dalawa. Probably his friend or what. "Anong nangyayari rito? Why did the party stop?"

Tinalikuran ako ng lalaking kaharap ko na tinawag na Chancellor—wait, that rings something to me!

"I just saved a pretty lady from this bastard."

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong natulala sa sinabi niyang iyon. Kasabay noon ay ang pagkakatuto ko sa kung sino ba ang misteryosong lalaking nasa harap ko.

Chancellor… Tita Mari's son… that man I need to tame for just 100 million pesos.

Lumingon sa akin si Chancellor. Mas lalo pa akong napako sa kintatayuan. I need to tame this cold-hearted-handsome man?

"T-Thank you…" I almost whispered it. Pero halos narinig na rin ito ng mga taong nasa paligid ko, pati na rin ang lalaking yelo kung makatingin.

He just smirked at me, then he left. Sa sandaling iyon, I realized that he can be cold and bad than any boy I met.

By the way, I'm Thalia Peñarada, assigned to tame this rich and handsome cold-hearted-bad boy for 100 million, not for myself but also for my mother's fast recovery.

The question is, will I survive? Makukuha ko ba ang loob ng nag-iisang Chancellor Glaze Vicente... the cold-hearted man?

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon