Kabanata 32

1.8K 35 1
                                    

AFTBBL: Kabanata 32

What were all that about?

"Tahimik ka. Ayos ka lang?" Zacchaeus asked me.

"A-Ayos lang ako, Zacch." Wika ko. Hindi na siya sumagot pa.

We're on the midst of the travel. I'm too frustrated at hanggang ngayon ay hindi pa rin makalma ang puso ko. What have you done, Chancellor?

"Saan ang venue?" I tried to change the topic. Naramdaman ko ang paggalaw ni Zacchaeus sa manibela ng sasakyan.

"Well, is it fine for you? The venue is that of a bar." Sagot niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. So after all these years ay makakarating nanaman ako ng bar.

"It's fine for me. It isn't my first time." I replied. Tumango siya.

Iniliko niya ang sasakyan kung saan. Tumigil ito sa hinihinala ko ay isang resort or hotel or whasoever.

"We're here." Aniya nang magpark iyong kotse niya.

Napatingin ako roon nang masinsinan. Yeah, right. It isn't my first time here. How could I forget this place?

"Alam mo ba itong lugar na ito? It's Chase Hotel and Casino we got here."

This is the last place me and Chancellor visited before I left. Five years ago, isn't it? Mas lalong gumanda ang hotel na ito.

"Shall we?" Aniya. Ngayon ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. Nakalahad ang kamay niya roon.

Malugod ko iyong tinanggap. He has soft hands, I can say.

"Don't worry, may mga kaibigan rin akong babae roon. Hindi ka maa-out of place," He said as he let go of my hand.

Tumango ako. It's been minutes ngunit hindi pa rin ako mapalagay. Para bang may masamang mangyayari sa mga susunod na oras. I'm hoping so that it won't.

Napahigpit ang hawak ko sa hawak kong purse. My office attire is messed up, dapat pala ay nagdala pa ako ng damit.

"Do you have a boyfriend?" Zacchaeus' sudden question made me seem so shocked. Nanlamig ako sa kaniyang tanong.

"W-What? No..."

"I see.."

Soon, we reached a door with two circling big holes. Sa loob noon ay kitang-kita ang mga nagsasayawan. I bet this is the bar, all right.

"I'm sorry kung masiyadong maingay..." Ani Zacchaeus.

"Ayos lang. Ganito naman talaga sa mga party at sa mga bar."

He nodded. Agaran rin niyang binuksan ang pinto. Mas lalong umingay ang atmospera ng buong lugar. Sumalubong sa akin ang maingay at makulay na kapaligiran.

Electro-pop songs filled up the whole space. May mga iba't-ibang kulay ng ilaw na nagsasayaw kasabay ng mga nag-iinuman at nagpaparty rito sa loob.

Iginawi ako ni Zacchaeus sa isang table kung saan naroon ang mga kaibigan niya. Tinignan ko sila at nagulantang ako nang may makitang pamilyar na mukha.

Kumabog ang puso ko. How could I forget? Chase Lee Vicente's face is so unique it could make you remember him.

Bigla tuloy akong naconcious sa bawat galaw ko. This man... is a member of the family who ruined my life. Ngayon ay nagtatanong na ako sa aking isipan kung kasabwat siya ng Mari na iyon?

Pasimple akong ngumisi. I even forgot to respect Mari's name and dignity. She's a hell devil and I won't forgive her.

Nanatili ang tingin ko kay Chase. Saglit siyang natigilan nang makita ako. Kita ko ang pag-iwas niya ng tingin at bumaling roon sa babaeng katabi niya.

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon