Pagtatapos

2.6K 46 2
                                    

Pagtatapos

Sinimulan nang tahakin ni Thalia ang daan patungo sa kinatatayuan ni Chancellor. It was their wedding, after all. Ang lahat ng bisita nila sa simbahan ay tinutunghayan ito, walang kumukurap. Walang gumagalaw.

Nang maglakad si Thalia ay naisip niya ang lahat kung saan siya nagsimula. Hindi niya maaasahang maikakasal siya sa lalaking dati'y mission lamang niya.

All she thought before was Chancellor is a cold hearted and a close minded man. What do we expect? Halos hindi siya pansinin nito noon sa mga pakulo niya.

But in a glimpse of moment, hindi natin inaasahang iikot ang roleta ng kapalaran. In a glimpse of moment, nahulog rin ito sa kaniya.

Isn't it a coincidence? O baka naman destinasyon na nila ang isa't-isa?

That won't matter now. Napabuga siya sa hangin. Ang tuwa at kaba ay bumalot sa kaniyang buong kalamnan, parang halos ayaw niyang matapos ang daang dinadaanan niya gayong nangangalahati na siya.

Natanaw niya si Chancellor na naghihintay sa tabi ng altar. She just then realized how perfect, how handsome, how all in one future husband this young man is.

Nang makarating siya sa kaniyang destinasyon ay agad na umentrada ang ama ni Thalia at kinausap si Chancellor.

"Huwag mong papabayaan ang anak ko."

Chancellor nodded even though he's trembling. Why, ngayon niya lamang nakilala ang ama ni Thalia kaya kinabahan siya nang ganito!

Thalia's father finally let go of her hand at ipinaubaya na sa magiging asawa nito. Chancellor smiled sweetly the moment he saw how Thalia smiles sweetly too.

He whispered, "You're so damn beautiful." Doon pa lamang ay namula na ang pisngi ni Thalia. Damn, this man is already gaining points!

Humarap sila sa altar at sumalubong ang pari sa kanilang dalawa.

The ceremony started at lahat ay nakatutok lamang. Hanggang sa dumating na ang tinatawag na pagpapalitan ng wedding vows.

"Today, surrounded by people who love us, I choose you Chancellor to be my partner. I am proud to be your wife and to join my life with yours. I vow to support you, push you, inspire you, and above all love you, for better or worse, in sickness and health, for richer or poorer, as long as we both shall live."

Chancellor smiled when Thalia slid their ring in his finger. Agad naman kinuha ni Chancellor ang singsing ni Thalia at nagbigay rin ng vow sa kaniya.

"I, Chancellor, take you Thalia to be the wife of my days, the companion of my house, the friend of my life. We shall bear together whatever trouble and sorrow life may lay upon us, and we shall share together whatever good and joyful things life may bring us. With these words, and all the words of my heart, I marry you and bind my life to yours."

Nang maisuot ni Chancellor ang singsing kay Thalia ay nagpalakpakan ang lahat. Even Aria cried at her daughter's wedding. Thalia's friends were glad too, kahit ang bestfriend ni Thalia na si Sabelle ay nakahabol pa't lumandas ang luha para sa kanila.

"And now, you may kiss the bride." Ani pari at agad namang nagkaharapan ang bagong kasal. Chancellor smiled when he saw how happy Thalia is on her wedding gown. Tinanggal niya ang belo na bumabalot sa kaniyang mukha. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa kaniya at natunghayan ng lahat ang paglalapat ng kanilang labi.

It was just a short kiss ngunit para kay Thalia ay malalim iyon at may kahulugan. Passionate and full of love, tanda iyon ng wagas nilang pagmamahalan.

"I love you," Chancellor whispered. Ang noo niya'y nakadantay sa noo rin ni Thalia.

Thalia whispered too. "I love you more."

They realized in that day na wala nang makakahadlang sa kanila. No one can  mess with their ways even Mariah Vicente who's crying now in prison.

Makalipas ang limang taon, ang akala ni Thalia ay masaya ang buhay may asawa. Masaya naman para sa kaniya, ngunit nadagdagan lamang nito ang kaniyang mga responsibilidad.

"CINWELL!" Halos maputulan na ng ugat sa leeg si Thalia kakahanap kay Cinwell na panganay nila ni Chancellor.

She slapped her own face when she witnessed their mansion. Nagkalat ang lahat ng gamit at ang ilang mga vases nila ay basag na. Now, she swear to herself that she will never display vases inside their home again.

"CINWELL!!!" Mas lalong nag-init ang ulo niya, lalo na't pitong buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang anak ni Chancellor.

Chancellor, who came from the office, ay kararating lamang ng kanilang bahay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kagulo ang tahanang dalawang buwan pa lamang nilang tinitirhan ni Thalia.

"W-Woah," halos mamangha siya sa himala este kabulastugan na ginawa ng kaniyang anak. Napangiti siya ng pilit nang makita ang nanggagalaiting mukha ni Thalia na nakatingin sa kaniya.

"Kasalanan mo 'to!" Bulyaw sa kaniya ng asawa. Bagama't ganoon ay pilit niyang iniintindi ito. "Basag nanaman ang mga display natin dito sa bahay!"

Agad namang napasurrender si Chancellor sa sinabi ni Thalia. Ngayon ay naisip niya kung kailan ba huhupa ang galit nito sa kaniya?

"Calm down, wifey... makakasama iyan sa baby." Aniya at walang kaawa-awang pinandilatan lamang siya ng buntis.

"Linisin mo 'yan!" Iyon lamang ang nasabi ng asawa niya at agad na umakyat sa ikalawang palapag.

"Yes... Ma'am.." Napatampal si Chancellor sa kaniyang noo. Isa nanamang gabing nakakapagod para sa kaniya.

Agad niyang tinawag ang anak. Lumabas naman ito mula sa kusina na ngayon ay kalat-kalat na rin. Hell, I need to damn hire a maid already. Pag-iisip niya.

His three year old son, Cinwell Keith Vicente, slowly walked towards him. Napangiti siya nang makita kung gaano niyang katulad na katulad ang anak pagdating pa lamang sa mukha.

That cold eyes, that pointy nose. Ikinatuwa iyon ni Chancellor. Mukhang sa paglaki nito ay may kakambal siya.

"Cinwell," ani Chancellor sa kaniyang anak. "What did you do this time to mommy?"

"Daddy, I'm just playing e..." Ani Cinwell na ngayon ay inosenteng pakinggan sa kaniyang pag-iingles. Napatawa si Chancellor sa sinagot ng anak. Well, he's like this too when he was still young. Halatang may pinagmanahan.

He kissed his son's forehead. "Don't do that to Mommy, okay? You hurt her. That's bad." Hinaluan niya iyon ng kaunting pagmamakaawa. His son nodded ngunit kalaunan ay nakita niya kung paano iyon ngumisi.

Nanlaki ang mga mata ni Chancellor. His son began playing again at nagdulot nanaman iyon ng kalat sa buong bahay. Napatampal siya sa kaniyang noo.

"Well, the bad boy generation never stops, huh..." inaasahan ni Chancellor na magiging mabuti ang mga lalaki niyang anak. Ngunit sa inaasal ng kaniyang panaganay ay mukhang alam na niyang magkakaroon na siya ng mga sariling disipolo niya.







Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon