Kabanata 15

1.9K 40 0
                                    


AFTBBL: Kabanata 15

The thought that my Mom is suffering… it makes me hurt. Lalo na't nalalabi na lamang ang mga oras para mailigtas ko siya.

To completely tame Chancellor, he must tell me that he loves me already. Ngunit hindi niya pa iyon nasasabi, the thought of it makes me frustrated though. Ito na lamang ang tangi kong makakapitan, kaya kailangan ko pang pagsikapan.

I did not expect the bad boy to accept the challenge.… Napangiwi ako dahil doon. Inayos ko ang bag ko bago ito isakbit sa aking balikat. Chancellor really has the guts to follow my request, e? I'm happy about that… ngunit iniisip kong baka magkamali nanaman ako sa huli... na baka ginagawa niya lamang ito dahil gagawin niya akong panakip butas sa kaniyang ex-girlfriend.

"Ma'am—"

"Thalia lang," pagwawasto ko sa sinabi ni Therese. Napayuko lamang siya roon.

"Thalia, baba ka na raw sabi ni Sir Chancellor."

I knew it. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong napangiti sa sinabi niya. Marahil ay alam na niya kung paano akong tatawagin... or maybe because of…

"Do you have any agendas to attend to?"

Nagulat ako roon. Napalingon ako kay Chancellor na nasa likuran ni Therese. Si Therese naman ay napayuko pa lalo at dahan-dahang umalis rito sa kwarto, dahilan para matira kaming dalawa ni Chancellor rito sa loob.

"U-Unfortunately, yeah…" Agad akong napatalikod dahil sa nararamdaman kong tensyon, ganoon na rin ang kusang pamumula ng aking pisngi.

Mula sa salamin ay kita kong nakahalukipkip lamang si Chancellor sa may pintuan. It is as if he's thinking about something. Nakita ko naman kaagad ang aking suot.

Isang floral white dress lang at ayos na ako. I made my hair into a messy bun para hindi mairita ang mukha ko ng aking buhok.

"Where could that be?" He stood in masculinity. Lumapit siya nang kaunti, ngayon ay nasa likuran ko na siya. "Sasamahan kita."

My heart skipped a beat at the thought. Hindi ko siya pwedeng isama! Malalaman niya ang tungkol kay Mommy!

"N-No need…" Kahit na maayos na ang mukha ko ay pilit ko pa rin itong inaayos para maiwasang maipakita ang kaba. "Kaya ko namang pumunta roon nang mag-isa lang…"

"No need to explain, too." He said. Ngayon ay nakikita ko ang repleksyon ng kaniyang mga mata sa salamin—looking at me like a lion who's ready to eat his prey. "Sasama ako sa'yo, no matter what."

Napapikit na lamang ako. There are so many "what if"-s that entered my mind. Lalo na't naroon si Tita. Sa ospital, waiting for me. She might mention that I'm away for work!

Ngunit baka kapag hindi ako pumayag ay mabawi ang request. I can't stand back now… that's what I think about... Damn, this is harder than I thought.

"Fine."

Padabog kong naibagsak ang compact powder na ginagamit ko para sa aking mukha. Nagulat kaming pareho roon ni Chancellor. Umiling na lamang ako at kinuha iyong compact powder. Marahan ko iyong isinilid sa aking bag.

"Bad mood, e?" Ani Chancellor na ngayon ay nakaupo na sa aking kama, nakapandekwatrong upo. "Fine then, I won't—"

"No, that was just an accident. Let's go." I replied that as an assurance. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon gayon na hindi ako sigurado kung isasama ko ba siya sa ospital.

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon