Kabanata 30

1.8K 33 0
                                    


AFTBBL: Kabanata 30

I became so busy in the past few days. Nagpakalunod ako sa mga trabaho sa opisina. I expected that things would turn out well between me and Mom. But it's been three days and she haven't talked with me even a single word.

Napasabunot ako sa aking sariling buhok. I tried to do something that will make me avoid my thoughts but nothing happened. Good Lord, please.

"Wala ka pang tulog, hinay-hinay lang." Ani Clayton na nakaupo sa sofa ng aking opisina. As usual, suot niya ang kaniyang kasuotang pormal.

"Hindi pa naman ako inaantok," Hinawi ko ang aking buhok. Kasabay noon ay ang aking paghikab. Crap it! Wrong timing!

Tumawa si Clayton. Agad rin siyang tumayo upang lapitan ako. "But your body says otherwise."

Napahawak ako sa aking sentido. Can you just tell me how to escape atleast a day of stress? Iyong walang bumabagabag sa akin? Especially that fastfood incident?

"I won't stop, Thalia. I won't stop pursuing you."

Napapikit ako sa naisip. This can't be happening. Damn it.

"Okay lang talaga ako, Clayton. Hayaan mo nalang ako," Seryoso kong sambit sa kaniya. Hindi siya sumagot. Nanatili ang tingin niya sa akin at pinaglaruan ang kaniyang buhok gamit ang sariling daliri habang pinagmamasdan ako.

"Seems like there's something bothering you."

Doon pa lamang ay nanlambot na ang aking kalamnan. Gosh, this isn't good!

"But it's okay if you won't share it with me. I knew you for so long, Thalia. You always keep things to yourself."

May riin ang tono ng kaniyang boses. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano. Napayuko nalang ako at napagawi ang tingin sa mga papeles.

"Sorry, Clayton."

"It's fine. You don't need to apologize." Aniya, may inilapag siya sa aking harapan. Napatingin ako roon. Isang tobleron ang inilapag niya sa mesa. "Chocolates can be used to decrease stress. You should atleast try that."

"Thank you," I smiled at him. Ngumiti rin siya pabalik. Saglit lamang iyon dahil napatingin siya sa kaniyang relo.

"It's already 10. I must go." Aniya. "See you."

Agaran rin siyang umalis. Everyday, it always turn out like this. Lagi akong binibisita ni Clayton rito sa opisina. Nahihiya na nga ako dahil marami rin siyang ginagawa sa trabaho.

Now I wonder... hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niya?

Umiling na lang ako at isinantabi ang iniisip. I should be thankful. I should be thankful that I got a bestfriend like him.

Ngayon ay bumaling muli ako sa mga papeles na hawak-hawak ko. Laging ganito nalang ang takbo ng buhay ko sa opisina. Walang hangganang pagpirma at pagbabasa ang aking ginagawa. Ngayong nakakaramdam na ako ng kaunting antok ay medyo nahihilo na rin ako.

"Is this really the work of a CEO?" Iritable kong tanong sa sarili.

Habang ginagawa iyon ay may napansin akong nahulog sa sahig. Pinulot ko iyon at nakita ang isang pamilyar na calling card ns kung hindi ako nagkakamali ay nakuha ko pa noong nakaraang araw.

Binasa ko ang nakasulat roon. A familiar name flashed in my eyes.

Zacchaeus D.L. Montero
CEO, Z corp.

Oh! I remember now. The friendly man I met in the elevator.

"Thalia," Therese called me. Napatingin ako sa kaniya. Umayos siya ng pagkakaupo mula sa kaniyang swivel chair. Ang buhok niya ay lumandas patungo sa kaniyang harapan. "Nandiyan si Ma'am Aria sa labas."

Aiming for the Bad Boy's Love (Bad Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon