Chapter 2
[ THE LIBRARY ]
"Sam, nakakahilo kana. Realtalk! " reklamo ni Cassy habang tinitirintas ang buhok ni Sasha.Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito sa dorm, maging sa balcony ay nakarating na ako. Bakit kasi walang signal dito??Nakakainis.
And by the way, sila pala ang kasama ko sa dorm. Nahampas pa nga ako ni Sasha sa balikat, bakit di ko raw sinabi na Room 18 ang dorm ko, edi sana nakasabay daw nila ako pag-uwi. Masakit yung hampas nya kaya di ako nagdalawang isip, hinampas ko rin sya. Sabi ko di naman sila nagtanong kung anong dorm number ko. Gantihan lang to mga prend.
"Bakit ba di ka mapakali sa isang sulok? " tanong ni Sasha. Napatigil ako at sumalampak sa kamang malapit sa akin.
Tinaas ko ang kamay ko habang hawak yung phone ko. Wala talagang signal kahit isang bar lang wala eh. Utang na loob..magkaroon ka na..Kailangan kong makausap sila mom and dad.
"Wala ba talagang signal dito? " kailangan ko kasi talagang tawagan sila mom..as in super needed.. dapat nga kahapon pa eh kaso nakatulog na ako.
"Wag ka nang umasang magkakaroon. Kahit saan ka pumunta dito sa campus hindi magkakaroon ng signal yan. " napalingon naman ako kay Jin na pinapatuyo ang kanyang buhok sa tapat ng aircon na nasa bandang sulok nitong room.
"Bakit naman? " taka kong tanong.
"Binlock kasi ng mga heads ang signal connection mula sa labas. Through their powerful technology, they had made their own communicating process. Ipapareprogrammed mo yang cellphone mo sa Strategy Department then may ibibigay sayo na bagong Sim card na with Unlimited Call and text na..Kaso its only within the Slaincre's property. Hindi mo sya magagamit sa labas at pangcommunicate doon. Para daw iyon sa kabutihan ng mga estudyante at privacy nitong school. " paliwanag ni Jin. Umupo ako sa kama.
"Paano nyo nakakausap ang pamilya nyo? "
"Tuwing holidays kapag pinayagan kang lumabas. Pati kapag may emergencies. " sabi ni Cass.
"Hindi ba, advance ang technology dito? Kahit anong paraan, wala kayong alam para makipagcommunicate sa labas?"
"Masyado ng advance Sam. Kaya nila nagagawa yan." Napahiga uli ako sa sinabi ni Cass.
Aware kaya sila Mom and Dad sa pakulo ng academy na ito? Kasi ako hindi eh.
"Pero may alam kaming paraan" Napaupo ako at medyo lumapit sa kanila.
"Really?Ano yun?"
"Sasabihin namin next time. Kailangan na natin pumasok" sabi ni Sasha at tumayo na sila.
"What? Hindi pwede ngayon?"
"Hindi eh." Sabi ni Cass
Ugh! Wag nyo kong paasahin guys.
"Class open your tabpads on English app, page 37." Sabi ni Mrs. Catherine. Pagkapasok na pagkapasok nya. Ngayon ko lang narealize na mababait sila sa una pero ngayon hindi na.
Kahapon ko lang din nalaman at ngayon ko lang masasabi, Tabpads ang tawag dito sa screen sa desk namin. Masyado syang unique pero natutunan ko din gamitin sa tulong ni Zac. And there are two ways to operate this. Using your finger and using a specialized Titus pen.
Nagbasa lang kami ng isang text at naglecture sa English. Sa arts naman ay may pinadrawing sa amin si Mr. Falcon ng isang bahay. Wala syang sinabi na kung anong klase. Basta sabi nya lang...Draw a house.