XII

10 2 0
                                    

Chapter 12
[STUPID NATASHA]

Sasha's POV

"Subukan nating hanapin." Sabi ko sa kanila. Hindi ko alam kung katangahan lang ni Cass o talagang nawala lang yung susi eh. May pahiram hiram pa kasing nalalaman tapos di pa sinabi sa amin.

"Wala na yun sa room...paniguradong nilinis nayun ng mga robot." sabi naman ni Zac.

"Nakakainis naman oh!" sabi ni Kiyuu at kinamot pa ang ulo. Napabaling ang ulo nya sa may elevator. "Oh..Sam! Ace!" tawag nito sa kanila dahilan para mapatingin din yung iba. Tiningnan ko si Renz at kulang nalang ay mamatay si Ace sa mga titig nya sa kanya. Humakbang na sya palabas at sinabayan sya ni Migz.

"Mukang may pinag-uusapan kayo ah." tiningnan nya kami isa-isa.

"Ah wala lang iyon. Saan ba ang punta nyo?" tanong ni Cass.

"Ah. Hinahanap ka namin." Sabi ni Ace. Nagtaka naman kami. Ba't naman nila hahanapin si Cass?

"Ako? Bakit?" May kinuha si Sam sa kanyang bulsa at pinakita sa amin. Napansin ko naman yung singsing na suot nya. Hindi ba yun yung nawawalang singsing ni Renz? Bakit nasa kanya na ngayon?

"Nahulog ata sayo." Napabuntong hininga na lang ako at tuwang-tuwa sila. Sino ba naman kasi ang hindi? Para kaming nabunutan ng tinik.

"Oh,Thank you Sam! Akala ko nawala na eh. Saan mo ba nakita?"

"Sa room, bumalik kasi ako kanina. Susi ng ano ba yan???"

"Ah. Ito? Susi to ng-Agsgsjj" bigla na lamang tinakpan ni Zac yung bibig ni Cass..

"It's just nothing. We borrowed it so we need to return it to the owner." sabi ni Zac at tinanggal na yung kamay sa bibig ni Cass. Madudulas pa ang babae.

"Ah. Okay." Napatango na lang sya. "Oo nga pala Zac.  Nakita mo ba yung ballpen ko?"

"Ahm, Yeah. Nakay Renz. Nakita nya kanina bago tayo pumunta sa library." Napasimangot si Sam at napabuntong hininga na lang

"Tara, kalalabas nya lang." Sabi ni Ace sa kanya.

"Wag na Ace, kunin ko na lang next time. May gagawin pa ba kayo? Una na ako." Umiling lang kami sa kanya at tumalikod na sya. Sinabayan na rin sya ni Ace papalabas.

"Grabee, akala ko nawala ka naaa!" Sigaw ni Cass sabay yakap sa susi.

"Kapag yan nawala pa." Sabi ko sa kanya at dali-dali nyang tinago sa bulsa nya.

Its already 6:00pm and nagpaalam kami ni Cass kay Jin na may pupuntahan lang kami. Papunta kami ngayon sa Hideout na ginawa ng mga magulang nina Renz dito sa S.A. Noon daw ay hindi pa iyon part ng S.A pero nabili na nila ang lupain 10 years ago. Bago kami dumaan sa pagitan ng Sports Centre at Drafting ay napansin namin si Sam kasama si Margareth papasok sa Sports Centre. Tatawagin ko sana sya kaso pinigilan na ako ni Cass.

"Baka malaman nya pa kung saan tayo pupunta." Tumango na lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko alam itong nararamdaman ko pero hindi ako mapakali. Ano naman gagawin ni Sam at Margareth sa Sports Centre ng ganitong oras??

Pagkalampas namin sa tulay ay dumaan kami sa mga malalaking damo at nakita namin si Kiyuu, Migz at Zac na nag-iintay. Hinawi pa namin yung mga baging at dahon bago nakita yung malaki at matabang puno na may nakaukit na "100".

"Aantayin pa ba natin si Renz" Tanong ni Cass

"Papunta na yun. Dali! Buksan mo na." utos sa kanya ni Zac.

The Slaincre AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon