III

30 5 0
                                    

Chapter 3
[ THE BASKETBALL MATCH ]


In the count of

five.....

four...

three..two....

one.

"BANG!" putok ng baril hudyat para magsimula kaming tumakbo...Sila lang pala.

Nandito kami ngayon sa tinatawag nilang Grylinder. Isa itong malawak na open field na tinatayang may sukat na tatlong hektarya. Pinapalibutan ito ng isang mataas na wall kung saan doon kami tumatakbo ngayon.. Doon sa mismong wall...nung una akala ko mahuhulog kami pero hindi..gawa kasi sa isang metal yung wall at may pinasuot sa amin na sapatos na may magnet..hindi ko alam na kaya na pala ito..na pwede na palang magawa ito...

Parang normal lang din ang pagtakbo mo (lakad sakin) kung masusubukan mo ito pero ako?Huh, kanina ko pang gustong masuka!Sumasakit na yung tiyan ko,yung paa ko,yung ulo ko. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyun sa akin,wala naman akong Acrophobia. Partida, lakad pa lang ang ginagawa ko.

[Acrophobia- Fear of heights]

"Is there any problem?" tanong ni Mr. Hodge, P.E teacher namin na nakikisabay rin sa aming pagtakbo. Patigil-tigil siguro ako kaya napansin nya.

"Ahm..Sir,ang sakit po kasi sa tiyan (hinga) tsaka po sa puso" mahinang sabi ko na sapat para marinig nya..Napatawa naman sya..

Napatingin tuloy ako sa kanya ng masama. Tawanan ba naman ako??

"Sa una lang yan..masasanay ka rin.." sabi nya at iniwan na ako habang tumatakbo....

Tss..akala ko tutulungan niya ko, mang-iiwan lang din naman pala. Hayst, ilang metro pa ang kailangan kong takbuhin?masakit na ang tyan ko...pagod na ako. I'm not a fan of running. Mabilis akong mahapo.

Bakit pa kasi kailangan na dito sa lugar na 'to tumakbo? Pwede naman sa baba na lang yung ang paa ay nakalapat sa lupa..hindi yung parang nakatagilid kami dito.. Ugh! Hindi ko na kaya!

Tumigil ako at tinuon ang aking mga kamay sa tuhod..mabilis ang paghinga ko at nauubo na rin. Kung alam ko lang na sa ganitong paraan pala sila tumakbo sana nagcutting class na lang ako. At hindi man lang nagtanong yung teacher namin, kung kaya ba namin o hindi.

Napatigil ako sa pag-ubo ng may biglang umupo sa harapan ko..

"Want a ride?" tinagilid nya ang kanyang ulo kaya nakilala ko sya. Buti naman at may dumating na mabait

"Sure." Napangiti ako sa kanya. Kahit nahihiya ako kay Zac ay wala akong pake. Hindi ko na talaga kaya..Pati tatanggihan ko pa ba ang tulong? Nasa harapan ko na eh.

Nakabackride ako sa kanya habang naglalakad lang sya. Kung kanina ako lang ang nahuhuli, ngayon ay kasama ko na sya. Alam ko na mas nahihirapan sya, dahil nakatagilid nga kami habang naglalakad. Isang maling hawak ni Zac sa mga binti ko ay mahuhulog ako diretso pababa.

"May bayad ba ito?" tanong ko sa kanya. Pansin ko na karamihan sa mga kaklase ko ay nasa finish line na. Mukang kaming dalawa na lang ang hindi pa.

"Of course..." napansin kong ngumisi sya.  "ang bigat mo kaya—?Ouch" piningot ko sya. Baliw to ah.

"Nag-offer ka ng ride,inaccept ko lang, kaya wag kang magreklamo."

"Haha..pinapabalik ko lang yung lakas mo ..hinang hina ka na kanina eh."

Maya-maya ay binaba na nya ako. Hindi na kami ngayon nakatayo sa wall, nasa damuhan na talaga kami. Hindi na ako ulit susubok na tumakbo dyan, kahit maglakad nga ay ayoko na.

The Slaincre AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon