Chapter 8
[THE PRESIDENT]"This must be a great opportunity to the eight of you. Congratulations. I'm hoping for CBI's good feedbacks about what you'll be having done there." Sabi ni Mrs. Principal bago kami inabutan bawat isa ng isang white envelope na may seal ng CBI noong tinawag nya kaming walo last week.
It's just a letter addressed to our names. There's a brief introductory written then the details. August 25-31 ito magaganap. Provided nila ang mga pagkain namin at magkakaroon daw kami ng CBI exclusive collection and more surprises. One whole week kami mag iistay doon. Mas bongga pa ito sa camping o anumang overnight tour. Nakasulat din na dalawang schools kaming inimbitahan ng CBI pero walang nakasaad na pangalan. And one more thing that excites me? Ay yung nakita ko yung watermark logo ng CBI.
I'd seen this at my parents polo's, ID's and their laptops' screen saver. There's also plenty of papers I'd seen that their keeping with this logo on top of it. I'd never knew na CBI pala ang tawag sa kanilang pinagtatrabahuan. I often heard them saying "Centi Mansion" and "Cenquarters". And I really hope na tama ang hinala ko na doon sila nagtatrabaho.
Hayst! Yung tatlong yun, pinapasakit ang ulo ko.This thing keeps my head from so much thoughts. July 25 na ngayon at isang buwan pa ang hihintayin namin. Hindi ako excited sa lagay na ito. Namimiss ko lang talaga sila Mom and Dad at gusto ko silang makita kung tama nga na dun sila nagtatrabaho.
Hindi ko mapredict ang mangyayari—
Natinag ako sa pag-iisip ng biglang may isang babae ang nakadanggi sa akin. Napasubsob ako sa likuran ni Jin at buti na lang ay napatuon sya sa lamesa. Tiningnan namin yung direksyon nung babae na tumatakbo patungo sa nagkukumpulan na mga estudyante. Kapapasok lang namin sa cafeteria at halos langawin na ang mga pagkain na iniwan ng karamihan para makiisyoso sa nangyayari sa pwestong iyon. Napansin ko ang apat na camcorders na lumilipad sa itaas.
Hinatak ako ni Jin at napatingin sa nag-iisang lamesa na may mga kumakain parin. Parang wala silang pake sa nangyayari. Umupo ako sa tabi ni Sasha na ang ganda ng pagkakasandal habang nakatingin dun sa mga ibang estudyante. Si Zac naman na patuloy lang sa pagkain at maging ang pagkain ng kabilang table ay binanatan na. Nandito rin si Cass na natutulog habang may earphones sa tenga.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari dahil puro sigaw ang naririnig ko at parang may cheering squad na "Sige pa! WHOOOOAAAHH!" May ilang estudyante pa ang naglululundag sa ibabaw ng lamesa at inihagis ang kanyang sapatos. Nakarinig ako ng pagbagsak ng bangko kasabay nang malakas na sigaw ng lalaki at alam kong dahil yun sa sakit. Hindi ko man nakikita ang nangyayari pero Damn this! Hindi ako tanga na tutunganga na lang dito! Tumayo na ako pero di pa ako nakakahakbang ng pigilan ako ni Zac.
"Let me—"
"Don't interfere. He's almost here." Sabi nya na nagpasakit ng ulo ko. Kung hindi ako mangingialam sino—
"ALL OF YOU STOP!" Biglang nawala ang sigawan and in an instance, nagbago ang atmosphere dito. Natahimik ang lahat at napatingin sa may pinanggalingan nung boses. I know that when he said stop ay tinutukoy nya yung kaguluhan, pero bakit parang pati paghinga namin ay tumigil din??
This is the first time that I heard him to shout like that at pinapanalangin ko na sana ay wala na syang sunod na sasabihin. Ang lamiiiggg! I know myself na wala akong kinalaman sa nangyari but why I'm trembling inside?? His voice are giving me chills. Dinaig nya pa ang mga iconic singers na nagpapataas ng balahibo ko.
Lumakad sya papalapit sa gitna ng kaguluhan na iyon. Walang emosyon ang mukha nya at makikita ang mataas na autoridad sa kanyang tindig at ayos ng pananamit. I'd been thinking about this since nung lumabas ang results ng examination. That time he made the crowd fall in line in one snap. The times that he's been missing and said na nasa faculty. And the conversation that I'd heard between Reighn and with the other girl. No doubt. He's the one that everybody's pertaining.