Chapter 10
[INVESTIGATION]Sam's POV.
Halos mag-iisang linggo na ako sa kwartong ito and I don't really get it. Bakit napakatagal naman yatang ayusin nung dorm namin? Diba mga advanced ang kagamitan nila dito kasi mayroon silang advanced technology tapos until now nandito parin ako? Maayos naman itong nalipatan ko, but hindi ako sanay na bago na naman ang makakasama ko.
Nasa second floor na ako ngayon, noon kasi sa first floor. Malay natin bukas sa third floor tapos the next next day sa fourth floor hanggang sa matulugan ko na lahat ng kwarto sa GDB. Kasama ko rito yung isa kong kaklase, si Margareth Sandalphon. Sya yung seatmate ni Jin at yung naging top 10. Hindi ko kilala masyado yung dalawa. Pakilala lang kasi Rem and Ram. Kambal kasi. Tapos second year pa lang raw sila. And totally nakakalito kapag magkasama sila.
Wala naman akong pake sa kanila, gusto ko lang may matuluyan na room. Ang ganda na sana nitong kwarto kaso di ko trip yung malaking painting. Napakacreepy! Bungo lang naman kasi, bungo! Sino ba naman di makakaramdam ng takot? Tapos ang mas malala nandun sya nakadisplay sa kwarto at katapat nung kama ko! Kaya ginawa ko, kapag matutulog ako nasa may headboard yung paa ko, minsan nga dun na ko sa sofa natutulog.
Dumiretso na ako sa room dahil 15 minutes na lang ay magsisimula na ang morning classes. Pansin ko lang na pareparehas wala sina Sasha, Cass, Jin, Zac, Migz at Kiyuu pero nandito si Lhorenz at nakaupo sa upuan ni Zac. Anong meron? Kawawa tuloy yung kalapit ni Kiyuu at Jin, solo flight tuloy.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanya at uupo na sana pero agad syang tumayo at hinila ako papalabas. Problema nito? Bago pa lang uupo eh.
Sumakay kami sa elevator at inapakan ang Ground floor. Nang makakuha ako ng lakas ay agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Ang init kasi ng kamay nya at pasmado pa sya. Napatingin sya akin pero agad din inalis.
"Hey, anong meron?" Tanong ko ulit sa kanya pero seenzoned lang ako mga prend. Agang-aga binabadtrip nya ko.
Pansin ko rin nitong mga nakaraang araw ang di nya pagpansin sa akin. May time kasi na kapag magtatanong ako, sasagutin nya ako ng super ikli tapos sa iba pa sya nakatingin. Alam nyo yun? Kinakausap mo sya pero ayaw ka nyang tingnan? May problem nga siguro ito. Hayaan na lang natin.
Bumukas na yung elevator at lumabas na sya, akala ko hihigitin nya uli ako pero hindi pala. Masyado na akong assuming. Hindi ko na sya pinansin at lumakad na papuntang cafeteria pero bago pa man ako makalapit ay may humawak na sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Where do you think you're going?" Ayan na naman sya sa pag-ienglish nya. Kapag naging president ba ang isang tao nagiging fluent talaga sa english?
"Cafeteria, Hindi ba dito ang punta natin?" Sabi ko at tinuro pa yung nagbukas na pinto. He made a sigh habang hinahagod ang sintido. "Masakit ba ang ulo mo?" Napatingin sya sa akin at napansin ko ang mga matatamlay nyang mata at...namumutla ba sya?
Hinawakan nyang muli ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. Teka, bakit papunta kami sa Boys Dormitory Building?
Pumasok na kami sa loob at sumakay sa elevator. Inapakan nya yung number 3 kaya malamang sa third floor kami pupunta. Teka third floor? Dun ang dorm room nya ah! Alam kong magkakahiwalay sila ng Dorm ng mga boys, nasa first floor si Migz, second floor sina Zac at Kiyuu at third floor sya.
Pagkabukas ng elevator ay hawak-hawak pa rin nya ang kamay ko. Ang init talaga ng kamay nya. Nang makatapat kami sa Room 120 na nasa pinakadulo ng hallway ay ginamit nya ang isang kamay nya para ipindot yung passcode. Nagulat sya nung ilagay ko ang palad ko sa noo at leeg nya. Pagkaslide na pagkaslide ng pinto ay sya naman ang hinatak ko papasok sa loob at pinaupo sa nakita kong sofa.