V

30 4 0
                                    

Chapter 5
[SAME OPTION]

I really loved music and it's a great opportunity for me to learn more about it at ang makapunta sa isang Music Centre. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon, it's now Monday at ginaganap na ang aming first quarter examination. Biruin mo, isang linggo pa lang ako rito pero exam na agad.

Gaya rin ng sinabi noon ni Mr. Breighn na malalaman sa exam na ito kung sino ang top eight na makakasama sa blue board at magiging representatives ng academy sa CBI.

Ang nakakainis lang talaga is why of all the places, sa Music Centre kami nag-eexam??

Routine na raw nila ito every examination sabi ni Migz. Actually twenty lang kami rito sa second floor kaso pinaghiwahiwalay pa kami. Mayroon limang sections ang fourth year so hinati-hati pa kami. Tig-aapat per section sa Sports Centre, Sa Main Building, sa Drafting Building at sa first floor nitong Music Centre.

Alright, akala ko lahat kami sa Music Centre mag-eexam pero hindi pala.

And the really worst part is twenty nga kami kami rito sa second floor pero lima lang ang magtetest sa isang room. Ayos diba?? And the position?? Five in a die. Isa sa bawat sulok at isa sa gitna. At kung sinuswerte ka nga naman ako lang naman yung nasa gitna.

Wag mong balakin mangopya dahil may nakabantay. Camcores. Buti na nga lang at dalawa lang sila, kanina lima pero mukang napagod ata. Nandoon yung isa sa ibabaw ng organ tapos yung isa naglilibot.

Five hundred and fifty items ang exam at mayroon lamang kaming tatlong oras para tapusin iyon.

Ano 'to? Lokohan?

Sa tabpad kami nagsasagot para diretso na raw sa evaluation and checking. Akala ko pa naman may bibilugan ako o kaya isheshade na bilog, wala pala. Tamang pindot lang sa choices. Dala dala ko pa naman yung ballpen ko.

Sinubukan kong gamitin pangpindot yung ballpen ko at kung pinagpapala ka nga naman, gumagana.

Kakaiba talaga 'tong techpen ni Dad.

Pinaikot ko yung ballpen ko sa thumb finger at tumayo na. Tiningnan ko yung timer sa unahan. 00:52:35. Sobra pala yung tatlong oras sakin, akala ko kulang pa. Ako ang unang natapos sa aming lima.

Kung tutuusin, ang hirap talaga nung exam. More on analyzing, interpreting at logic. Yung iba commonsense na ang sagot. May part na procedural yung follow the steps and instructions. But all in all, it's more on Science particularly physics and chemistry.

Pagkalabas ko ng music centre ay may napansin akong isang lalaki na naglalakad palabas ng Sports Centre. Malayo ang distansya ng Music Centre doon pero sapat lang para mamukaan ko kung sino iyon.

Nagtaka ako dahil hindi sya pabalik sa  Main Building o kahit sa Boys DB. Sinubukan ko syang sundan ng hindi nya napapansin. Sa may gilid sya ng Sports Centre at Drafting Dumaan.

Tumigil sya sa isang lugar na may matataas na damo. Lumingon-lingo muna sya bago hinawi iyon at pumasok. Ilang minuto muna ang inantay ko bago sundan uli sya.

Napatigil ako sa ganda ng tanawin. Puro puno at halaman na may iba't ibang uri ng bulaklak. Meron din rito na batis na sa sobrang linis ng tubig ay kitang-kita mo ang mga bato at isda sa ilalim nito.

Pumunta sya sa ilalim ng isang tulay na bato. Lumapit ako doon at tiningnan kung anong ginagawa nya rito. Kinuha nya yung cellphone sa bulsa nya at ginawa nya itong salamin. Nilapit nya yung daliri nya sa kanyang mata at laking gulat ko na lang ng may kinuha sya rito.

Contact Lens.

Para saan yun? Hindi naman malabo ang mata nya sa pagkakaalam ko. Tuluyan akong lumapit sa pwesto nya ng tahimik. Napatigil sya sa ginagawa ng makita ang repleksyon ko sa cellphone nya.

The Slaincre AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon