Chapter 4
[ CONFESS ]Linggo na ngayon at ngayon ko lang napagtripan magreview. Kahapon kasi buong araw akong tulog, pagod kasi gawa nung activity last-last day, tumakbo kami sa Grylinder diba?? Pero sila nga lang pala. Naglakad lang ako eh.
Nanghiram ako ng mga notes dun sa tatlo dahil ilang linggo rin akong late at nakakaisang linggo pa lang ay may exam na agad. No exemption among fourth year students kahit kakatransfer mo lang. At isang linggo ko na rin di nakakausap ang magulang ko. Gabi-gabi kong kinukulit itong tatlo about dun sa sinasabi nilang way pero sabi ni Sasha, mag-intay lang daw ako gaya ni Jin. Mahirap daw kasi kapag nagdesisyon sila ng sila lang.
"Saan nga pala yung Strategy Department??" Bigla kong tanong.
"Ano naman ang gagawin mo dun?" Balik na tanong ni Kiyuu. Sarap din nitong kutusin eh. Sagutin ba ng tanong ang tanong? Kanina pa yan nandito sa Dorm namin. Pormadong pormado ang suot. Inaantay si Cass dahil may date raw sila. Tanungin ko na lang sila Sasha mamaya kung anong meron sa dalawang ito.
"Ipapareprogram ko yung phone ko." Naisipan ko lang ito kanina. Para naman may pakinabang ang phone ko sa lugar na ito.
"Dun mo pa ipapareprogram?? Naku wag na, Kay Ca–bhajsi" agad na tinakpan ni Sasha ang bibig ni Kiyuu. Tumaas naman ang kilay ko sa inasta nila. Pilit tinanggal ni Kiyuu yung kamay ni Sasha sa bibig nya. "Masakit, Sha! Problema mo?!" Di ito pinansin ni Sasha at saktong labas naman ni Cassy sa banyo. Naka off-shoulder blouse na blue sya at capri fitted jeans. Nakatuwalya pa ang buhok nya.
"May nangyari ba?" Takang tanong nya sa dalawa. Soundproof nga pala yung Cr tsaka lahat ng rooms dito. Kaya hindi nya narinig kahit sa mismong tapat ng banyo nagsisisigaw yung dalawa.
"Wala naman. Diba dadaan kayo ni Kiyuu sa Strategy Department?" Tanong ni Sasha kay Cass, napatango naman sya habang pinapatuyo ang buhok. "Pareprogram mo yung phone ni Sam."
"Sure, give it to me." Hinanap ko yung phone ko sa mga gamit ko at binigay kay Cass na binulsa nya naman. "Baka mga one week mo pa ito makukuha, busy ang mga nandun dahil malapit na ang exam."
"Eh kung Ika–AWTSSSAKIT!" Ngayon ay si Cass na ang bumatok sa kanya. Kawawang Kiyuu. Mabilis na nagsapatos si Cass at hinatak na si Kiyuu papalabas. Kung ano ano pa ang pinagsasabi nila ng may diin kaso pabulong na lang ito.
"Anong meron sa kanila?" Agad kong tanong pagkasara nung sliding door.
"They're lovers" sabi ni Sasha na hindi ko na kinagulat. "Lovers that always quarrels." Napatawa ako sa phrase ni Sasha. Rhymed eh.
Medyo nainis lang ako sa mga kasama ko dahil last week pa pala nilang alam na napaaga ng isang buwan ang exam ng first grading naming mga fourth year dahil nga dun sa CBI. Kaya pala papetiks-petiks na lang sila ngayon dahil nakapagreview na sila. Sabay-sabay sila, routine raw nila ang group study at ala supremo raw nila si Lhorenz.
Nagkaroon din daw sila kahapon ng last review, pero as what I said earlier, tulog ako at hindi man lang nilang naisipan na gisingin ako. Kaya ngayon, ang apa't na linggo kong pagkahuli sa pasukan ay problema ko ngayon. And the worst thing?? Walang binigay na pointers bawat subject. I must review or must better, memorize all what's on their notes.
But knowing myself na bukas na ang exam, my mind thinks of two options:
Doing the right thing but forcing myself, or Doing the easiest thing with no forcing happens but it is strictly prohibited.