Chapter 6
[ RESULTS ]Wala akong nagawa sa paghatak ni Sasha. Nakitakbo na rin ako kasama sila papunta sa Main Building. Ngayon na kasi ilalabas ang results nung exam at hindi ko maintindihan kung bakit wala pang alas otso ay nanghatak na sila. Exactly 8:00 daw ipaflash yung lists. Pati bakit nangunguna sila? Malalaman din naman yun mamaya diba? Masyado silang excited.
"Yan na...YAN NAAA!!" Tili nitong dalawang babae, alam nyo na kung sino yun. Si Sasha at Cass lang naman ang matitinis ang boses sa amin eh. Tapos di pa sila nahihiya kasi maganda raw ang boses nila.
"ALIS! PADAAN!" Wala akong magawa kundi ang maki 'go with the flow' ngayon. Nakikipagsiksikan sila sa mga estudyanteng naandito at dahil magkakaholding hands kami, damay ako. Ngayon ko lang naramdaman ang init ng temperatura. Parang anumang oras ay mahihimatay ako sa init at siksikan dito.
"WALANG BIBITAW GUYS!" Sigaw ni Sasha pero napabitaw ako dahil sa lalaking nagpumilit sumingit sa gitna namin. Si Zac. Hinawakan nya ang kamay ko at nagpatuloy sa pagsingit.
"Hold tightly." Napahawak ako ng mahigpit kina Zac at Jin nang biglang tumakbo ng mabilis si Sasha na nangunguna.
Dumadaan kami sa gitna ng mga estudyante kaya kung ayaw nilang masaktan ay kusa na silang tatabi. Ito ang naisip na paraan ni Sasha para makapunta kami doon sa unahan. Nandoon kasi yung malaking screen kung saan ididisplay ang ranking. Nahagip ng mata ko sina Migz at Kiyuu na nakahawak rin at enjoy sa pagtakbo. Bakit wala yung isa?? Walang nagawa yung ibang estudyante sa amin. Sa tuwing may mabubunggo kami ay malakas na sumisigaw si Sasha at Zac ng 'Sorry' tapos si Kiyuu puro 'Gomen' at 'Gomenasai'.
Nang makalapit na kami, as in 'superclose' to the bulletin board. Pinahanay kami ni Sasha. Buti na lang at hindi kill joy 'tong mga boys, mga natatawa nga rin sila sa kabaliwan na ito eh. Nawala sa isip ko na mahahapuin nga pala ako, pero kahit hinihingal ako ng konti ay enjoy ko naman. Magkakaholding hands pa rin kami at promise, hiyang-hiya na ako kina Jin at Zac dahil may running water sa kamay ko. Sabi ni Cass i-imagine daw na nasa gitna kami ng stage at malalaman na kung sino ang mananalo. Mga nakayuko pa kami nyan. Lakas ng trip nila ni Sasha.
Pansin ko na may nangyayari sa mga estudyante sa likod kaya napalingon kami rito. Unti-unting nagkakaroon ng daan sa gitna sa paghawi nila. Pansin ko sa karamihan na parang kinikilig at pinipigilan ang pagtili ng malakas. May dumaan lang naman kasing anghel. Oo, anghel na model.
Naglalakad sya gitna na parang isang taong may mataas na posisyon. Pinadaan nya sa kanyang buhok ang kanang kamay nya na mas lalong nagpatili sa mga babaeng nandito. Kung gaano kami kahagard sa pagtakbo kanina ay sya namang pagkafresh ng lalaking ito. Dapat pala sumabay kami sa kanya sa pagpunta para di na kami nahirapan sa pagsingit. Di ba yun naisip nitong mga kasama ko?
"Hey mister rank-1papizza ka naman dyan!" Sabi ni Zac kay Lhorenz na papalapit na sa pwesto namin.
"Sure, If you'll be the top 2." Sabi niya at pinaghiwalay yung kamay namin ni Zac at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako sa kuryenteng dumaloy sa akin kaya bigla kong nailayo yung kamay ko.
Damn, Bakit may kuryente?
"What?" Tanong nya habang nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa kamay ko at sa kanya. May kuryente ba sya sa katawan na nagflow sa akin kasi may running water ako sa kamay which is a good conductor of electricity? Paano nangyari yun?
"Ahm, ano. Pasmado kasi ako." Sabi ko at pinunas muna iyon sa palda ko. Saglit din akong bumitaw kay Jin at pinunas ko din iyon.
"That's okay. Pasmado rin ako." Sabi niya sabay kuha ng kamay ko na walang effect yung pagpunas na ginawa ko dahil ramdam kong basa na naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/129541517-288-k574467.jpg)