I

38 7 0
                                        

Chapter I
[FIRST DAY]

"Name please." Napalingon-lingon ako sa paligid nang may marinig na nagsalitang babae..

Sino yun?

"Ohmo!" Nabigla ako ng may bilog na bagay ang biglang lumitaw sa mukha ko..Napahakbang ako pabalik nang lumapit pa sya sa akin.

Ito ba yung boses robot na babaeng nagsalita kanina?

Para itong isang camera dahil may lenses na lumalaki at lumiliit sa gitna. Kulay asul ito at may metal stick sa ibabaw na parang antenna. Paanong nangyari na lumilitaw ito sa ere?

"Name please." Nagulat na naman ako kaya napalayo ako sa kanya. "Kindly say your name, please." Napalunok ako at Inayos muna ang tayo bago nagsalita.

"Oh sorry. I'm Samantha Crealson." Biglang may asul na ilaw ang lumabas sa lenses nito na tila iniiscan ang buong katawan ko. Nang mawala ang ilaw ay muli syang nagsalita.

"Welcome to Slaincre Academy, Crealson. Please follow me." Okay?? Ang ineexpect ko guards ang una kong makikita pero iba ang sumalubong sa akin.

Namangha ako sa bumungad sa paningin ko nung bumukas yung gigantic gate. Hindi ko alam kung school pa ba ito o hindi na. Naglalakad ako sa pathway na pabilog na ang sahig ay makinis. Sa gitna nito ay may mataas na fountain na sa tingin ko ay katumbas ng isang bus na nakatihaya ang taas. Kumikinang ang kulay berde nitong tubig na ngayon pa lamang ako nakakita.

"This is S.A's Jaden Fountain. The water becomes green because of the thousands of jade stone that was reflected by the sunlight. The water is very clear that you can visibly seen what's under on it and it's also purify that able to be drink" Napalingon ako sa kanan...Akala ko umalis na ito eh.

Pero ang galing. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalinis na tubig. (Oo ngayon lang.) May nakasabit dun sa gilid na parang cup na pasandok..basta yun. Kinuha ko yun para makainom nung tubig.

Grabe!Lasang Pandan!Ang sarap!

"Pwedeng kumuha kahit isang bote?" tanong ko dun sa camerang nalipad.

"Sure,just be gentle..That water contains more fats and calories than the average daily meal of a person."

Nakakataba itong tubig?o panakot lang nila? Kumuha pa rin ako at tsaka binalik yung cup na parang sandok.

"Wait,Ano nga pala ang tawag sa katulad mo?" Wala akong pake kung magmuka akong tanga rito. Malay ko ba na nakakapagsalita ito. Baka sakaling mawala yung curiousity ko.

"I'm sorry I forgot to introduce..I am 'Double C 402' and we are called 'Camcorders' or simply 'Camcores'."

"We? Marami kayo?"

"Yes,actually we are 536 in total for now and there are still 14 being analyzed."

"Okay.." napapatango na lang ako. Parang they're made for monitoring or more like surveillance cameras with great features: talking and floating.

Nasa harapan ko na ngayon ang isang mataas na building na kakaiba. Humakbang na ako sa limang baitang na nandito para makapa–

"Aah–ray!" Napaupo ako sa sakit. Masyado na ba akong tanga? O sadyang pinaglalaruan ako ng lugar na ito?

"Oh! I also forgot. Some doors, floors, walls and ceilings here are created by glass concretes. That's why be careful." Ang sakit naman...At talagang ngayon nya lang sinabi? Napahawak ako sa matangos kong ilong na nauntog dito sa transparent na pinto. Ugh..bakit transparent kasi, hindi ko tuloy napansin na may harang doon. And hindi man lang sila maglagay ng signages na may transparent na pinto rito.

The Slaincre AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon