Chapter 11
[FACE FAULT]Hayssst! Bakit ngayon pa nagpasagot si Mrs. Catherine ng mga logic-logic na yan? She's an English Teacher, naman oh. Hinayaan ko yung mga kagrupo ko ang magsagot. Masyado kasing masakit ang ulo ko. Kaya naman siguro nila yan. Pinatong ko yung ulo ko sa lamesa at pumikit.
Nandito kami sa library, kapag hindi raw kasi alam ang sagot ay dito lang matatagpuan. Isa pa 'to eh. Ilang linggo na nga akong di napunta dito dahil naaalala ko yung Laser Beams. Tutulog muna ako, gisingin na lang nila ako.
Failed. I can't sleep. Ang iingay nila mga prend! Akala ko ba observe silence dito?? Ang dami kong naririnig na "Oo nga", "Tama", "Mali naman eh" etc. Please, huwag na kayong dumagdag sa sakit ng ulo ko. Inaantok akoo.
"Hey, try mo kayang tulungan sila. Hirap na hirap eh." Rinig kong sabi ni Ace na tumabi sa akin.
"Bakit hindi ikaw? Kagrupo ka din nila ah." Binago ko ng pwesto yung ulo ko para di nya makita. Mahirap na, baka titigan pa ako hanggang sa matunaw. May gusto pa naman sya sa akin.
"I tried, wala akong maisip na sagot." Hayst. Mahirap ba yung logic na yun?
Naramdaman ko naman na may isang tao ang tumigil sa gilid ko kaya napamulat ako. Hindi talaga ako makakatulog dito.
"Sam, may gagawin ka ba mamaya?" Nakita ko ang pagmumuka ni Margareth. Yes. Margareth Sandalphon. Ano naman kailangan nito sakin?
"Wala naman. Bakit?" Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mukha nya. Anubayan! Sakit na ng ulo ko eh.
"Ahm, Magpapasama lang sana ako mamaya. Wala kasi si Mizzy, may gagawin." Napataas ang isang kilay ko sa kanya. So ako gagawin nyang second option? Hayst.
"Sure." Kung di ko lang sya kadormmate, masasabihan ko sya na feeling close. Pero mabait ako, wag kayo.
"Great! I'll just wait you at the Dorm. Thanks!" Sabi nya at lumakad na palabas sa library.
Mukang nasagutan na nila yung sa kanila. Ang bilis naman, wala pang five minutes simula nung makababa kami dito. Sabagay may ALAS silang kagrupo. Kami may alas din kaso ito, di man lang pigain yung utak.
"Close pala kayo?" Napansin ko ang pagdaan nila Lhorenz. Di man lang ako pinansin.
"Hindi masyado. Kasama ko siya sa Dormroom."
"Hmm. Is'nt it strange?" Binalik ko yung anggulo ng ulo ko kanina para makita sya.
"Sinasabi mong strange?"
"For the years that I'd been here in S.A. Yung Mizzy lang ang lagi nyang kasama. Kapag hindi, mas gugustuhin nya pang mag-isa." Tss. Pati yun pinansin. Masama bang magpasama sa iba? Maybe she wants to be friends with me? Get along with me?
"Bahala ka dyan. Tutulog muna ako—"
"Wait! Sagutan mo muna yung logic!" Napabuntong hininga na lang ako. Tiwalang-tiwala sya na masasagutan ko, kapag ako napahiya, babatukan ko talaga sya.
"Nasan?" Napalingon-lingo sya, mukang hinahanap yung mga kagrupo namin.
"Hala! Sumuko na ata, Hahaaa." Sabi nya kaya napaayos ako ng upo. Napatingin ako sa pwesto kung nasan si Mrs. Catherine at papalapit na dun sila.
"Baka naman nasagutan na nila. "
"Tingnan mo nga mukha nila. Tara!" Sabi niya at hinigit ako papunta sa kanila. Wala akong magawa kundi ang mapatakbo na lang. Naabutan namin sila kaso tama nga si Ace. Sumuko na.
![](https://img.wattpad.com/cover/129541517-288-k574467.jpg)