VII

19 3 0
                                    

Chapter 7
[FIRST CALL]

Happiness can't explain to me when a camcorder suddenly summoned at my front and said that I have a call from Dad. Dali-dali akong sumunod dito papunta sa Faculty Building kung saan nandoon ang mala call center room ng Slaincre.

"Hows your school?" Bungad na tanong ni Dad sa akin. Isa itong holographic video call kaya parang kaharap ko lang talaga siya.

"It's so different from schools that I'd been. Where's Mom?"

"Nasa Cr, Nag-e-LBM—ARAAAY!" He shouted nang biglang lumitaw si Mom and well, binatukan lang naman sya.

"Oh, Sam. I miss youuu! " Sabi ni Mom at niyakap ako pero tumagos lang sya sa katawan ko. "I forgot. Hologram nga lang pala ito." Napangiti na lang ako sa kanila.

Napakajolly ni Mom, she's really energetic and a chatterbox kapag kami-kami lang magkakasama. Kapag kasi nasa labas, parang kung sinong anghel ang sumanib sa kanya sa pagiging mahinhin at mabait. Pero kapag galit yan at napikon, kami ang kawawa. Di nya kami ipagluluto. Bahala daw kaming magluto.

"Mom, I've never forget what you did to me." Direktang sabi ko sa kanya dahilan para yung ngiti nya at unti-unting mawala. Inalis nya sakin ang paningin nya at napatungo. Inakbayan naman sya ni Dad.

I don't hold grudges, lalong lalo na sa family ko. Iniintindi ko talaga sila kahit di ko alam ang tunay na dahilan. Mukang kahit ilang beses ko silang pilitin na sabihin ang dahilan sa paglipat ko ay hindi pa rin nila sasabihin.

Maniniwala ba kayo na kaya ako pinatransfer ay dahil sa aso??? Oo aso. Ganito kasi nangyare, papaikliin ko na, no need to detailed it. kwento ko na lang.

Malapit lang kasi yung dati kong school sa amin. Kayang lakarin pero nakabike ako. One time sa may intersection sa village namin, may dumaan na malaking truck, nagulat na lang ako ng may asong tumalon mula dun sa truck at sa akin naisipan maglandfall. Natumba kami nung bike, hindi sana masakit, pero grabe yung bigat nung aso. Siberian Husky kasi, tapos ang cute nya, naalala ko yung aso ni Tetsuya.

Kahit gusto ko syang iuwi ay wala akong nagawa  kundi iwan sya sa gilid. Hindi ko naman sya pwedeng dalin sa school kasi imbis na 'NO ID NO ENTRY' ang malaking karatula na mababasa sa gate, 'NO PETS ALOWED' ang lagi kong nababasa. Mali pa, kasi kulang ng letter L.

Halos tatlong pidal na lang ang layo ko sa school ng sumabit yung palda ko sa kadena nung bike. Pagtigil ko ay nagulat ako kasi tinatanggal lang naman nung asong Siberian Husky yung pagkakakawit. Sinundan ako lagot. Pilit ko na syang tinataboy pero walang effect, nagmamakaawa sa akin na sumama. Halos wala ng nadating na estudyante dahil nagsisimula na ang first period. Dahil gusto ko rin syang isama, sa likod kami ng school dumaan, may sirang pader kasi dun na kaysa ang tao na lumusot. Ba't ko alam? Ako gumawa nyan eh. Di ko kasi type mga tindang pagkain sa school eh bawal umuwi ng lunch baka daw kasi di na bumalik. Kaya gumawa ako ng daan.

Iniwan ko yung aso sa rooftop. Sinabi ko na wag aalis hangga't wala ako at alam ko na hindi nya sinunod yun. Habang nagkaklase kami, biglang napasigaw yung kalapit ko na may matinis na boses at napatayo. Nagulat na lang ako nang may umupong aso sa tabi ko. Ang bait nya grabe, lakas makaestudyante. Nagsigawan yung mga kaklase kong takot sa aso habang kaming natira ay tuwang-tuwa. Saan ka ba makakakita ng ganitong aso? Nalaman agad ng faculty ang sitwasyon, kaya bago pa nila mahuli yung aso ay tumakbo na kami papunta dun sa dinaanan namin kanina. Di nila kami naabutan pero kinabukasan ay pinatawag na lang sina Mom and Dad sa school. Then pag-uwi nila, pinagalitan na ako at sinabi nga na magtatransfer na ko.

Then I named that dog Snow, may suot kasi syang tag na may pendant na snow flake. And now nakikita ko sya sa may hagdanan namin na natutulog.

"I'm sorry if we force you to transfer there. I hope you understand that it's for your sake." Sabi nya at tinitigan na ako. Napabuntong hininga na lang ako. Mukang ayaw nilang pag-usapan iyon. Napansin ko naman ang buhok nya na umikli hanggang leeg. I thought she loves long hair.

The Slaincre AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon