Zero

57 7 0
                                    


READ BEFORE YOU JUDGE!

"NO ONE'S PERFECT. YOU MAY ENCOUNTER TYPOS, GRAMMATICAL ERRORS AND OTHER MISTAKES. JUST UNDERSTAND THE HUMBLE AUTHOR. ARIGATOU."
-Em-En10

Chapter 0
[PROLOGUE]

Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa aking paningin. Panibagong araw, Panibagong buhay. Nag-unat unat ako habang nakahiga parin sa aking kama. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si mom.

"You're going to transfer Sam." sabi nya sa akin. Hindi ko akalain na sa isang pagkakamali ko ay mangyayari ito. Hindi ko matanggap na nagdesisyunan na agad sila ng hindi man lang ako kinakausap.

"Fine. If that's what you want then its okay. " Once they'd made decisions, there is nothing else that I can do to stop them, specially my mom. They will do it whether I like it or not.

"Sana tumino ka na dun.. " sabi nya habang inaayos ang mga gamit ko. Hindi ko mapigilan mainis sa kanya. Sana pala hindi na lang ako pumasok kahapon. Sana pala inatupag ko na lang yung pagkuha ng mean median at mode sa math namin o kaya kumain na lang ako.

"I can't promise." Bakit ko pa kasi kailangan tumino kung matino naman ako? Kainis. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Dad

"Sana maintindihan mo ito kung bakit kailangan mong umalis." Kahit sabihin ko naman na hindi ko naiintindihan papalipatin nila pa rin ako. Kinuha na nya ang mga gamit ko. "Come on Sam." Bumangon na ako at tumayo. Nagpaalam na ako kay Mom at umalis na doon. Naabutan ko naman ang aso na si Snow sa harap ng pintuan na malungkot. Niyakap ko sya bago pumunta sa kotse.

I will miss this place...

"May the angels protect you, trouble neglect you and heaven accept you when its time to go home.. " kanta dun sa radio ni Dad dito sa kotse.

"May your tears come from laughing, you find friends worth having. With every year passing...They mean more than gold" at sinabayan nya pa habang nagmamaneho. He really loves music. Buti pa yung music love nya..eh ako hindi. Kasi kung oo, baka hindi na ako magtatransfer nito. Pero di bale na..dahil dun sa kanta, nakakapagrelax ako.

"May I win but stay humble..Smile more than grumble and I know when I stumble...I'll never alone...." nakasimangot kong dugsong sa kinakanta niya. Imbes na 'you' dapat, ay ginawa kong 'I'. Kahit may hinanakit ka sa loob..di mo maiwasan mapakanta.

"Never alone...Never alone...I'll be in every beat of your heart when you face the unknown wherever you fly.....this isn't goodbye..."

"My love will follow you stay with you baby...You'll never alo–on ehem." Napatawa ako sa pagpiyok ni Dad.. Grabe epic yung pagkanta nya.

Mamimiss ko sila panigurado. First time kong mahiwalay sa family ko. Long distance kung baga. May dormitory kasi dun sa papasukan kong school and they only allowing students to go home every legal holidays, pasko, bagong taon, emergencies, ganun, ganyan.tsk. dami nilang alam.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng dambuhalang gate. Yeah. Gigantic.  Hanggang ngayon pala uso pa rin ang mga malalaking gate. Nakakapanliit naman ito. Siguro mga anim ako na pinagdugsong-dugsong ang taas nito. Masyado syang maganda para idescribe kasi may kulay gold sya na may halong silver tapos mukang makaluma ito na may touch of modernization.

"Only students are allowed to go inside. Kahit pamilya mo kami o kaano-ano as long as hindi part ng school ay hindi pwedeng pumasok. " biglang sabi ni Dad kaya napatingin ako dito.

"Sigurado ba kayo na dito nyo ako papapasukin. Masyadong maarte eh. " bumaba na siya at pinakbuksan ako ng pinto.

Hindi ito ang first day of school. Dahil three weeks na ang nakakalipas. Nagkaroon kasi ako ng problema last-last day. Then long story kaya ako pinatransfer sa school na to. Just nevermind.

"They only securing their privacy. Masyadong prestigious and wealthy ang paaralan na ito. "

"Tsk.Paniguradong maaarte ang mga nasa loob na yan.Sa tingin nyo magiging ayos lang ako rito? "

"Sam..Oo naman." Hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat. "Tandaan mo, alam kong nagtatampo ka pero sana maintindihan mo na kabutihan mo ang inuuna namin.Okay?." ngumiti sya sa akin at yumakap. Napatango na lang ako.

"Thanks dad.Mag-iingat kayo ni Mom " sabi ko at kumalas na sa yakap.

"Mag-iingat ka din." Tinap niya yung ulo ko kaya napatawa ako. Hanggang ngayon baby girl pa rin ang turing niya sa akin. "Ienjoy mo ang mga araw mo rito..Kung payagan kayo na umuwi,tawagan mo muna kami ng mom mo. Okay?"

"Opo."

"Wag kang iiyak dahil sa namimiss mo kami. Wag kang magpapalipas ng gutom at higit sa lahat...Wag kang magboboyfriend." sabi nya at hinalikan ako sa noo.

"Ahm..I can't promise?" Sinamaan nya ako ng tingin..Hahaaa.

Kinuha ko na yung mga gamit ko sa kotse at naglakad na papunta dun sa gate pero mayamaya ay lumingon akong muli sa kanya.

"I love you dad!" ngumiti sya ng malapad.

"I love you too...Samantha" Hindi ko alam pero feeling ko ito na ang huling pagkikita namin. Ugh!Bakit kailangan ko pa kasing lumayo sa kanila?

Nakangiti ako habang pinapanood si Dad na pumasok sa sasakyan nya. Pagkastart nya ng kotse ay dumungaw sya.

"May nakalimutan akong ibigay!" sabi nya kaya lumapit uli ako sa kotse."Ito oh. Tabi mo yan. Wag mong iwawala." May nilagay siya na parang bracelet sa wrist ko na sinusian nya pa.

"Hindi na ito maaalis?"

"Dapat lang. Hahaa..Sige na..aalis na ako.Ingat ka dyan."

"Ingat ka din Dad." Inayos na nya ang upo nya at umandar na. Pinagmasdan ko ang kotse nyang lumayo hanggang sa hindi ko na ito makita.

Sana maging maganda ang buhay ko rito. Ayoko talagang mapalayo sa kanila pero kagustuhan din naman nila ito kaya magtitiis na lang ako.

"Welcome to Slaincre Academy. Samantha Crealson. " sabi ko sa sarili.

=============================

Support me guys for my first story!!

The Slaincre AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon