"Stop making that face, Patricia." Natatawang sabi ni Levi. Alam niyo yung feeling na gustong gusto ko na siyang batukan pero pinipigilan ko lang?
Kanina pa ako nakabusimangot dito dahil sa joke niyang hindi ko nagustuhan. Hindi man lang siya mag 'sorry'?
Inirapan ko siya, "maniyak." Sabi ko. Pero ano ang ginawa niya? Tumawa na naman ang loko! Kanina pa siya ganiyan! Sasabihan ko siyang manyak pero tatawa na naman siya!
"Stop it, Levi! Hindi nakakatuwa!" Sigaw ko sakanya at mas dumoble pa ang pagkakasimangot ko.
Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sakin habang nakanguso. Andito kami ngayon sa labas ng bahay. Naka-upo ako duyan habang siya naman ay nakaupo sa monoblock chair.
Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Okay, I'll stop." He said and bit his lower lip to stop himself from laughing, again.
Tumayo ako at pinalo siya sa dibdib.
"Maniyak! Diyan ka na nga! Magpapalit lang ako!" Sabi ko at dumeretso sa loob ng bahay para makapagpalit ng mas maayos na damit.
Wala pang limang hakbang ay narinig ko na naman ang tawa niya. Pero may na-realize ako.
Hindi ko alam kung nasaan yung kwarto namin!
Kaya humarap ulit ako sakanya at padabog na naglakad.
"What?" Tanong niya at pinipigilan ang tawa.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Samahan mo 'ko! Hindi ko alam kung nasaan yung kwarto!" sagot ko.
Nanlaki ang mata niya, "What the hell? Are you asking me to do it with you right--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinadyakan ko na ang paa niya.
Nanlaki ang mata ko nangmarealize ko kung ano ang ibig niyang sabihin nung sinabi niya yun bago ko tadyakan ang paa niya. What the hell, Levi? Just what the hell?!
"Ano?! Magsasalita ka pa?! Sasamahan mo lang ako! K-kung ano ano kasing kamanyakan yang nasa utak mo!" Sabi ko at naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.
Nakahawak siya ngayon sa paa niyang tinadyakan ko.
"Shit! Why do you have to be so violent?!" Sigaw niya sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Lumapit ako sakanya at kinuha ang braso niya.
"Ikaw naman kasi." Sabi ko at ngumuso.
"Tss. Tara na." Sabi niya at kinuha ang kamay ko bago kami maglakad patungo sa loob ng bahay.
Ako na naman ang may kasalanan! Siya naman kasi eh! Kung ano ano ang sinasabi niya!
Habang pataas kami ng hagdan ay kita kong nahihirapan siya sa paghakbang.
It's you're fault, Patricia!
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin sa paa niya. Kasalanan ko.
"L-levi.. Are you okay? S-sorry. Nabigla lang kasi ako." Sabi ko at napayuko.
"It's okay. Kasalanan ko din naman. I was just trying to joke on you." Sabi niya at napaangat ako ng tingin.
"You're not mad?" I asked.
"Hindi." Sabi niya at binuksan ang pintuan ng isang kwarto. Maybe this is going to be our room.
Malawak ang kwarto at may king sized bed na kama. Kita rin ang magandang view galing sa veranda. Nakita ko rin ang isa sa mga picture frame na nakalagay sa gilid ng kama ni Levi na muntik nang nagpatawa saakin. Tumakbo ako at kinuha ang picture.
BINABASA MO ANG
Her Devil Husband (HIATUS)
JugendliteraturLevi Jace Alonso, a man who married a woman for their company's sake. At first, he didn't like his wife, Patricia Ivy Montero. He hates her to the point na kaya niyang saktan ang damdamin nito araw-araw. Then something happened that made Levi reali...