Chapter 18

6.5K 116 4
                                    

HAPPY 1.02k READS! :)

---
Patricia's POV

1 week later

"Goodbye,Ma'am Patricia." Paalam ng sekretarya ni dad sakin saka siya nagbow. Binisita ko kasi si dad dahil talagang miss na miss ko na siya. We havent seen each other for a week.

Hinarap ko ang sekretarya ni dad at sinuklian ko siya ng isang ngiti at nagpaalam na din.

Napatingin ako sa wristwatch ko at nakita ko ang oras ay 7:10 na.

Napabuntong hininga nalang ako at pinindot ang button ng elevator saka ako sumakay.

Habang naglalakad ako palabas ng kompanya ay panay ang bati ng empleyado ni dad at ganoon din naman ako. Lalo na sa mga kakilala kong matagal ng empleyado ni dad na nag ta-trabaho dito.

Isa din sa mga rason kung bakit ako pumunta dito dahil gusto ko ng kausap. I want to talk with dad.

Lately,Levi was acting strange. Palagi niyang akong linalagpasan at hindi pinapansin. Mas matindi yung pag-iiwas niya sakin ngayon kaysa noon na tatapunan pa niya ako ng masamang tingin.

Ngayon naman ay pag nagkakasalubong kami sa hagdan ng bahay ay parang wala akong makikita niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakanya. Naguguluhan na din ako.

Minsan,hindi na din ako nakakakain masyado dahil sa kinikilos ni Levi. Umaga nalang ako nakakakain at minsan naman ay hindi na.

I was just too bothered. Minsan ay nagagalit siya. Minsan sisisgaw nalang. May problema ba siya? Hindi ko alam.

Dumeretso na ako sa parking lot at pinatunog ang kotse ko. Like Tyzi said,maaga naman niyang dinala ang kotse ko sa bahay noon. Nagtaka nga ako kung bakit hindi yung driver niya ang nagdala ng kotse ko dahil siya yung mismong nagdala. Sabi niya ay siya nalang daw para makasama pa niya akong kumain ng umagahan kasama siya.

Syempre,pumayag ako. Hindi ko naman siya matatanggihan dahil pinsan siya ng asawa ko. And Levi wasn't in the house when Tyzi came. Nasa trabaho na siya so I just texted him that I have to go somewhere.

Napasulyap ako sa orasan ng kotse ko at 7:30 na. Buti nalang at wala masyadong traffic at agad naman akong nakauwi sa bahay.

As usual,patay lahat ang ilaw sa bahay. Siguro ay wala pa si Levi. Pero ang ipinagtaka ko ay bukas ang ilaw ng lampshade sa kwarto dahil naaaninag ko to habang umaakyat ako sa hagdan.

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto namin ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Kasabay non ang pagkahulog ng hawak kong susi ng sasakyan ko.

Why is he sleeping with another woman... again?

Napahawak nalang ako sa dibdib ko na biglang nanikip.

I saw him again with another woman sleeping peacefully on our bed in our own house. Hindi ko akalain na masasaksian ko na naman ang eksenang ito. Everytime I see this kind of scenes,it makes my heart break apart and turn into tiny pieces. Sobrang sakit sa dibdib.

Nakatopless ang asawa ko habang nakayakap naman sa kanya ang babaeng nakatalikod sakin na nakahiga ng pagilid.


Magkayakap sila. Yan ang unang pumasok sa isipan ko. Magkayakap sila. Ilang buwan na kaming mag-asawa pero kahit ni isang yakap ay hindi ko pa nararanasan galing sakanya. Ni halik man lang sa noo hindi pa. Ganyang yakap pa kaya? Pero ang mas masakit isipin ay may kayakap ang asawa kong iba.

Her Devil Husband (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon