Binabagabag parin ako nang nangyari kanina. Pilit kong iniintindi kung ano ang ibig sabihin ng babaeng iyon. Ni hindi ko nga siya namukhaan. Mabilis parin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon.
"Watch what you're doing, hindi mo kilala ang binabangga mo."
Nang marning ko na naman ang mga salitang iyon na nakaukit sa utak ko ay ipinilig ko nalang agad ang ulo ko at itinuon ang pansin sa kalsada. Hindi ko na nga namamalayan na paalis na kami. Kanina kasi ay tulala lang ako.
"Ma'am..." Napapitlag ako nang tawagin ako si Henry. Napalingon ako sakanya na nasa labas na ng kotse.
"Andito na po tayo." Saad niya. Napataas ang kilay ko. Ilang minuto na naman ba akong naging tulala? Ganon na ba ako ka occupied dahil sa nangyari? At tsaka isa pa ay siguro lang ay masungit lang talaga iyong babae. Wala naman siguro, hindi ba?
Sana nga...
"Ah... Oo, bababa na ako. Salamat ulit, Henry." Saad ko bago bumaba. Tumango ito bago ilahad kay Kristine ang ibang mga paper bag kung saan nandoon ang mga pinamili namin.
"Ako na ang magbubuhat sa iba, Kristine." Sabi ko, tumango naman ito agad na tila bang natataranta rin.
Habang naglalakad papasok ay napatigil ako nang magsalita si Kristine.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Kasi nakita ko po kanina yung pagkabasag ng jar. Ah... Nagdurugo na rin nga po ang paa niyo." Sabay turo niya sa binti ko. Napasinghap ako nang makita ang dugo nito.
"Ah... T-that? Wala 'yon. Accidente lang iyong nangyari." I explained. Pansin ko parin sa mukha niya ang pagtataka.
"Naku, ma'am. Siguro ka? Kasi feeling ko nagsungit pa sayo iyong babae e." Nakanguso ito. Pilit kong pinatawa ang sarili ko.
"Wala iyon. At tsaka... Nagpaumanhin naman siya." Pagsisinungaling ko. At isa pa, bakit nga ba ako nagsisinungaling?
"Ah... Akala ko po ano na. Kasi po kanina napatingin din po siya sa gawi ko e, ang sama ng tingin." Tumawa siya. "Mukhang beast mode pa si Ate." Pagbibiro nito.
"Ah... Kristine, wag mong sasabihin kay Levi 'yong nangyari, ha? Baka magalit." Pakiusap ko. Sumang-ayon naman ito kesyo may pagkaprotective pa naman daw siya. Mabuti nalang at naintindihan naman si Kristine.
Pagpasok namin sa bahay ay kinuha nalang ni Manang Nena ang mga iba pang bags at sumabay nala siya kay Kristine na pumunta sa kusina para ilagay doon ang mga gamit.
Dumeretso nalang din ako sa kwarto at kinuha and First-aid kit sa bathroom. Umupo ako sa gilid ng kama at doon ginamot ang sugat ko. Pinilit kong kinalimutan ang nangyari kanina, pero alam ko eventually na makakalimutan ko rin naman iyon.
Nilagyan ko ng band-aid ang sugat at nagpalit ng damit bago tumayo, dumeretso nalang ako sa kusina para magluto ng cake na kanina ko pa gustong i-bake.
Nagvolunteer din si Kristine na tulunga ako pero humindi nalang ako. Sinabi ko nalang magpahinga nalang muna siya at lalabas nalang pag lunch na since 10:00 AM palang. Um-oo naman agad siya habang si Manang ay ganon din.
Kaya ayon nga ang ginawa ko, hinimas ko ang tiyan ko habang nagtitipa ng message para kay Eli at Tim.
"Gotta bake a cake! Too bad, may works kayo. Bleh!" Pang-aasar ko.
Si Eliana kasi ay siya muna ang nag-take over sa Asia's Trend Magazine na minamahala ng parents niya. Nagtake kasi ng 4 months vacation ang parents niya. Too bad for Eli though. Pero dahil siya naman ang President ay nakakapagleave siya anytime. But she still have to focus on the company.
BINABASA MO ANG
Her Devil Husband (HIATUS)
Teen FictionLevi Jace Alonso, a man who married a woman for their company's sake. At first, he didn't like his wife, Patricia Ivy Montero. He hates her to the point na kaya niyang saktan ang damdamin nito araw-araw. Then something happened that made Levi reali...