Chapter 40

3.4K 53 5
                                    

1 month later...

"Thank you for coming!" Nakangiting ani Ysabelle at bumaling sakin at tumayo sa tabi ko kung nasaan ang counter. Inayos ko ang maliit na bulaklak na nasa tabi ko.

"Grabe, hindi ko inaakalang ganito kadami ang pupuntang mga costumers ngayon!" Sabi niya at nag-inat.

"Baka maraming may anniversary or monthsary this month." Tumawa ako ang nagkibit balikat at ni-check ang cellphone ko.

Today's May 5, it means, 6 days nalang ay anniversary na namin ni Levi.

I cleared my throat. Levi... He's been protective these days. And the real thing is... I own a flowershop now, para daw hindi ako mapagod sa bahay kakalinis at para hindi daw ako ma-bored. So he decided to give me this shop. Para kahit papano, dito sa shop ay nakaupo lang ako, kaysa daw sa bahay na magpapakapagod pa ako. Atleast dito raw ay may kasama ako.

Mabilis niya din itong pinagawa, iyong tipong umabot ng 20 trabahador ang gumawa nito para mas mapabilis ang pagtayo ng shop. Within 2 weeks, tapos na ito.

Ngayon, mag ti-three weeks na akong magtatrabaho dito kasama si Ysabelle. Si Ysabelle ang kinuha ni Levi na magiging kasama ko para magtrabaho dito. Mabait at masipag siya, ni hindi niya nga akong pinapayagang gumalaw sa kinauupuan ko para hindi daw ako masyadong mapagod baka madrain ang beauty ko. Napailing nalang ako.

Binaba ko ang cellphone ko at tinapunan ng tingin si Ysabelle. Akmang na siyang uupo pero  narinig na naman niyang tumunog ang bell ng pintuan kaya hindi natuloy ang pag-upo niya. Napatawa ako.

Napabuntong hininga siya, "Good afternoon, welcome to Ivy's Flower Garden!" Nakangiting bati nito at ni guide ang customer.

Nag-inat ako at humikab. This past few days, parang gusto kong matulog nalang buong araw. But I cant do that, mas gusto kong mag-trabaho para mas malibang ako.

Tumayo ako at napansin ni Ysabelle iyon. Binigay niya ang napiling bulaklak sa customer at yumuko, "Thank you for coming!" Aniya at bumaling sakin at umupo na.

"Ysa, gusto ko ng fries." Sabi ko at napatingin naman siya sakin.

"Fries?" Tanong niya at tumango ako. Ilang araw na akong nagc-crave sa fries. Yung fries na gravy ang sauce? I like to eat that.

"Yup. Fries. At tsaka yung sauce eh gravy." Sabi ko at naramdaman kong kumulo na naman ang tiyan ko kaya napahawak ako duon.

"Should I order, maam?" Nakangiting sabi niya.

"Yes, please! Kumuha ka na din ng sa'yo kung gusto mo, pagdating mo dito, we'll go home." Sagot ko at inabot sakanya ang credit card.

"Sure, ma'am! On my way!" Sabi niya at tinali ang buhok bago lumabas ng shop.

Lumapit ako sa pintuan ang binaliktad ang board. 'Closed' na ang shop. Napalingon ako sa watch ko at 5:00 PM na pala, exact time for closing.

After I went back to my seat, I heared my phone ringing. Kaya sinulyapan ko iyon.

My husband's name popped up. Napangiti ako at sinagot iyon.

"Hello?" Sabi ko.

"Hmm... I feel like I'm not tired anymore by just hearing your voice, wife. I miss you, can I come there?" He sighed. I rolled my eyes.

Her Devil Husband (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon