Chapter 1

296 9 3
                                    

Chapter 1


Ilang linggo nalang pasukan na, damn.


Ayoko pang pumasok. Hindi dahil sa tinatamad akong mag-aral kung hindi dahil hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang makihalubilo sa pare-parehong tao ng sampung buwan. Mahabang panahon rin kasi yun, maraming pwedeng magbago. And to be honest? Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.


Nag-iisip ako ng kung anu-ano nang biglang nagsalita si Kuya James. "Jaq, pinapatanong pala ni papa kung handa na yung gamit mo." Tumango nalang ako bilang sagot. Umalis na rin naman siya pagkatapos.


Pupunta kami ngayon sa Batangas. Ganito naman ang setup namin tuwing bakasyon eh. Pumupunta kami doon at mamamalagi ng isang buwan. Okay rin naman sakin yun kasi wala naman akong ginagawa tuwing bakasyon. Atsaka, isang buwan lang naman. I don't think it'd cause a big change.


Or so I thought?


Pumunta na ako sa dining area para kumain. Malapit na kasi kaming umalis. Mahaba-haba ring byahe yun, baka magutom pa ako.


Pagkaraan ng ilang oras, lumapit ulit sa akin si Kuya James.


"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.


"Oo naman, kuya. Bakit?" I asked. Wait, mukha ba akong my problema?


"Wala lang, ang tahimik mo kasi eh." Aniya.


"Lagi naman akong ganito, ha? Hindi ka pa ba sanay?"Tanong ko sa kanya.


"Nasasanay na." Ngumiti na lang ako sa sagot niya.


Alam kong nahihirapan na sila sa pagiging malayo ko sa kanila. Pero ano bang magagawa ko? Natatakot lang naman akong maulit yung dati.


"Hay nako. Ewan ko sayong bata ka, ang dami mong alam. Tara na nga, pinapatawag na rin tayo ni papa eh." Sabi niya atsaka tumayo. Sumunod na rin naman ako kay kuya papalabas ng bahay.


So, we're now off to Batangas.


Buong byahe, nakikinig lang ako ng iba't ibang kanta. Habang sina papa at kuya naman, nag-uusap tungkol sa sports. Well, boys and their things.


Ngumiti nalang ako ng lihim, nag-isip ng bagay bagay hanggang sa napadpad ako sa pag-iisip ng what-ifs. Ang sakit sa ulo, nakakaewang mag-isip ng kung anu ano.


Pero sa pag-iisip kong yun, may isang tanong akong hindi masagot. Isang 'what if' na pilit na bumabagabag sa akin. Yung what if na yun?


What if, nandito pa sila? Ganito parin kaya ako?

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon