Chapter 12
Wednesday na ngayon. Kahapon, hindi ko talaga maintindihan si Third. Ang lala ng mood swings niya. Sana nga lang eh, okay na siya ngayon para naman makapag-isip na kami ng kanta.
Kailangan na kasi namin yun ipasa kay Mrs. Rivera sa Biyernes eh. Buti sana kung ganun lang kadaling mamili, kaso hindi. Tapos nagkakaganyan pa si Third, ewan ko na. Goodluck nalang talaga!
Pagkakapasok ko sa room, agad kong iginala ang tingin ko dito. I looked for Third's presence. At nung makita ko naman siya, magkausap sila ni Emma, the one who volunteered sa pagpiperform na hindi rin naman napili.
So ayun na nga, palihim akong tumitig kay Third. At ang loko? Mapupunit na yata ang labi kakangiti. Grabe pa nga kung makatawa eh. Tuwang tuwa yata kay Emma. Leche lang talaga. Kapag sa akin, ang tamlay at ang sungit niya umasta. Akala mo pasan niya lahat ng problema. Tapos kapag kay Emma naman, grabe kung makatawa. Nakikipaglokohan ba 'to sa akin?
"Oh, nakakunot na yung noo mo oh." Biglang sabi ni Gio na siya namang ikinagulat ko. "Kalma." Matawa tawa niyang sabi.
"Nakakagulat ka naman kasi. Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot?" I told him.
"Nakita kasi kita. Sasabihan sana kita tungkol sa review natin kaso nakatingin ka kung saan tapos nakakunot yang noo mo. Ano bang meron?" He asked.
"Wala wala. Nasestress lang ako sa dami ng gagawin ko ngayong buwan."
"Yun lang ba talaga?" Tanong niya pa na akala mo'y meron pa akong hindi sinasabi.
"Wala naman akong ibang idadahilan eh." I said in defense.
"If you say so." Sabi niya saka nagkibit balikat bago tuluyang bumalik sa upuan niya.
Eh? Anong trip nun? Whatever.
Maya maya lang, dumating na yung teacher naming parang robot magsalita.
Umupo na ako sa upuan ko at saka nakinig sa kanya. And as usual wala nanaman akong maintindihan. Nakikinig naman ako eh, sadyang siya lang talaga yung may problema. YUng librong hawak niya yata yung kausap niya eh.
Hindi tulad sa iba kong teachers, mas naiintindihan ko pa ang turo ni Mrs. Tiangco, our values ed teacher. Kapag siya kasi, ineexplain niya yung lesson based on what she thinks it is. Hindi siya bumabase lang sa libro. May sarili siyang explanation. Minsan nga, aakalain mo pang humuhugot siya sa mga sinasabi niya. And that makes her the best, as for me.
Pagdating nung lunch time, si Gio nanaman yung kausap ko. Medyo inis kasi ako kay Third eh. My reason? Hindi ko alam. Hindi ko matukoy. I don't know why I feel this way.
Siguro dahil sa nakakainis niyang mood. Yun lang naman yung naiisip kong rason para mainis sa kanya.