Chapter X

56 5 2
                                    

Chapter X


/Written when she's fifteen./


I hate attachments. I hate it so bad.

(Jaquelyn Alvarez)


Entry #1


It all started when I was six years old.


When I was six, I had no friends for a very lame reason, I have no toys. That's kind of weird. Well, ganun naman talaga kapag bata ka pa, pagandahan at pabonggahan ng laruan. Kapag wala ka nun, wala kang friends.


Malungkot siguro ang childhood ko kung hindi ko nakilala si Chan. We first met sa park. I was alone that time. Pinapanood ko yung mga batang naglalaro habang ako, mag-isang nagsiswing. Syempre naiinggit ako, mag-isa lang ako eh.


And then Chan came and asked me kung bakit ako mag-isa. Sabi ko sa kanyang wala akong kaibigan. Tapos maya maya lang ay nginitian niya na ako at sinabing pareho lang kami. Nagtaka ako sa sinabi niya. May mga laruan naman siyang dala nun eh, mamahaling bola pa nga. When I asked him why, sinabi niyang strikto yung mommy niya at takot dun yung mga bata. Natawa nalang ako sa rason niya. Ewan ko ba kung bakit ako natawa.


Pero simula nung araw na yun naging kaibigan ko na siya.


Matapos ang ilang araw, nakilala ko na rin yung mommy niya, kaso isang beses lang. Hindi na naulit. Mabait naman yung mommy niya, taliwas sa impression nung ibang bata. Sayang nga dahil hindi ko na uli ito nakita. Nagtrabaho kasi ito sa ibang bansa.


Naging maganda ang friendship namin ni Chan. Madalas kami magtawanan at maglaro. Pareho pa kami ng pinapasukang school kaya naman ay matibay na matibay yung friendship namin. I really owe him much. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko siguro ma-eenjoy ang childhood ko.


Hanggang isang araw, nakita ko siyang nakatingin sa mga nilalaro nung mga lalaki naming kaklase. Nakikita ko sa mga mata niya na parang gusto niyang makihalubilo sa ibang bata. Kaya naman sinabi ko sa kanyang, kung gusto niyang sumali dun, okay lang sa akin. Kaso ang sabi niya, ayaw niya raw. Pakipot pa eh. Pinilit ko siyang sumama dun' baka kasi mamaya magsisi lang siya. Matapos nun ay nginitian niya ako at saka dumiretso sa mga bata.


I saw him enjoying. At doon ko naisip na, darating ang araw na makakahanap siya ng ibang kaibigan bukod sa akin. At kapag dumating yung araw na yun, baka iwan niya nalang ako. That thought really saddened me.


Lumipas ang ilang araw at napapadalas na yung pagsama niya sa mga lalaki niyang kaibigan. Kaya naman, sinadya kong magparinig sa kanya. Ramdam kong nahinuha niya na para sa kanya yung sinabi ko kaya agad siyang lumapit.


Pagkakalapit niya sakin, sinabi ko yung mga bagay na gumugulo sa utak ko. Sinabi ko sa kanyang baka tuluyan niya na akong iwan dahil sa bago niyang kaibigan. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko kaya agad niya itong sinagot. Ang akala niya raw ipinagtatabuyan ko na siya sa iba. Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. Sinabi ko rin sa kanyang mukha siyang naiinggit sa mga bata kaya sinabi kong makisali siya. Tapos ang sabi naman niya sa akin, may ganun raw siya sa bahay nila kaso hindi niya alam kung paano laruin, tinitingnan niya lang kung paano. Wala naman raw kasi yung parents niya at puro katulong lang yung kasama niya kaya ganun. Hindi lang pala kami nagkakaintindihan.

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon