Chapter 2
Pagkarating namin sa Batangas, dumiretso kami sa rest house nina Tita Lindy, kapatid ni papa. Dun yata kami magsistay pansamantala. Okay lang naman sa akin dito. Kaso yung pinsan kong si Yñigo, madaldal. At ayoko sa madadaldal.
"Jaq, gusto mo ba munang magpahinga?" Tanong ni Tita Lindy sa akin. Ako nalang kasi yung nagstay sa may balkonahe nila. Sina papa at kuya? Tulog na. Napagod yata talaga sila sa byahe.
"Hindi na po muna, dito nalang po muna ako." Sabi ko kay Tita Lindy.
"Sige, basta kapag inaantok ka, dun ka nalang muna matulog sa kwarto ni Yñigo."
"Sige po, salamat po, Tita." Sabi ko at saka umakmang aalis nang biglang magsalita ulit si Tita.
"Nagdala dito ng kaibigan si Yñigo, nandun sila sa guest room sa tabi ng kwarto niya. Kung gusto mo, doon ka na muna at nang may makausap ka naman. Wag kang mag-alala may babae naman siyang kaibigan." Baling sakin ni Tita Lindy. Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti.
May makausap, huh? That would be a miracle if I start talking with others. But then, hindi naman yun alam ni Tita Lindy. At saka, hindi naman siguro ako kakausapin nung mga kaibigan ni Yñigo. Sila naman yung magkakabarkada eh, so why bother me?
Napagpasyahan kong magstay nalang sa may sala at manood ng TV. Wala namang ibang tao eh, ako lang mag-isa. Atleast dito, tahimik. Wala akong ibang poproblemahin.
Maya maya, nahagilap ng mata ko si Yñigo. Dammit.
"Hello pinsan!" Bati sa akin ni Yñigo. Ngumiti lang ako sa kanya. Sa totoo lang, ito lang naman ang ayaw ko dito sa Batangas eh. Ang kulit kasi tas ang daldal, nakakairita na. Well, hindi ko naman siya masisisi kasi close kami dati nung okay pa ang lahat.
But I admit it, kahit na nakakairita siya, I kind of miss him. We used to be best buds.
"Tara, sama ka sakin. Kasama ko mga kaibigan ko, baka kasi nabobore ka na diyan eh." Pag-aaya niya sakin.
Ayoko pa sanang pumayag sa alok niya kaso alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako pumapayag. So, I gave in. Magkukunwari nalang akong pagod para hindi niya na ako gaanong kulitin.
Naglakad na kami papunta sa guest room sa tabi ng kwarto niya. Ang buong akala ko, matatahimik na ako kapag sumama sa kanya. Seems like mali pala ako.
"So, kamusta na?" He asked.
"Okay lang, still fine." I answered with a straight face.
"Still fine? Kung fine ka edi sana kinakausap mo na ako tulad ng dati." Sabi niya tapos nag lungkut-lungkutan.
"Drop that look, Yñigo. Hindi nakakatuwa."