Chapter 9

55 6 0
                                    

Chapter 9


"L-lavine? Bakit ganyan ang itsura mo?" Sabi ni Yñigo na medyo natatawa tawa pa.


Well, that's right. Si Lavine nga yung nakita namin. Ang weird weird nung attire niya. May mga fake pa ngang nunal at kilay sa mukha niya eh. I don't know why she needed such disguise.


"I know that I look weird but you don't have to laugh naman." She said.


"You think so? Alam mo Lavine, hindi ako karaniwang tumatawa. Pero sa itsura mo ngayon? Grabe girl, hindi ko talaga mapigilan." Sabi ni Carmela at saka tumawa.


"Bakit ba kasi nag-disguise ka pa?" Iritadong sabi ni Third.


"You know naman my daddy eh. He might see me kasi. I just make takas lang. I missed you all na kaya."


"But you don't have to put much effort. Pwede namang itext mo nalang kami tapos kami nalang pupunta sa inyo." Sabi ni Gio.


"That's not my reason naman, Gio. Aside from I want to see your school, I also want to ask you personally." We all looked puzzled sa sinabi ni Lavine. Ask us personally? "Please make punta naman to our house. Movie marathon, please?" Sabi ni Lavine with pleading eyes.


It took awhile before they all said yes sa alok ni Lavine. Ako? I kept silent. Outing yun ng barkada nila, I shouldn't intrude. Kaso eto namang si Third, nakiepal nanaman.


"Isama natin si Jaq ha?" Aniya.


"Of course naman 'no. We're closer pa nga than Carmela eh." Sabi niya sabay tingin kay Carmela. Inirapan naman siya nito.


"Saka pinsan naman kita. Kasama ka na sa barkada." Sabi ni Yñigo sabay gulo ng buhok ko. Napangiti nalang ako.


"So, see you na later ha? I'll make alis na. I might be caught pa kasi eh. Bye!" Sabi niya sabay alis.


Sumigaw nalang kami ng ingat habang papalayo siya. Kinaway niya naman yung kamay niya sa amin.


Limang minuto matapos umalis ni Lavine, dumating na rin yung sundo ko. Nagpaalam na rin ako sa kanila. I still have to prep up.



Pagkarating ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko para mag-ayos ng gamit. Hindi man halata pero excited ako. Ilang taon akong walang kaibigan. I am watching movies all by myself. Pero ngayon, anim kaming magkakasama. Who wouldn't be excited diba?


Pagkakaayos ko ng gamit ko, agad akong lumabas ng bahay. Magpapahatid sana ako kina Lavine nang maalala kong hindi ko nga pala alam kung saan yung bahay nila. That saddened me.


Buti nalang at may number ako ni Third. Siya, si papa at si kuya lang naman ang laman ng contacts ko eh. Thank God, I have his number with me.


Balisa kong ni-ring yung number ni Third. Baka kasi hindi niya sagutin, inaasahan ko pa naman 'tong lakad na 'to. Matapos ang ilang ring, may sumagot na sa kabilang linya.

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon