Chapter 5

60 7 2
                                    

Chapter 5


After three days mula nung pagkaka-ospital ng mommy ni Third, we decided to go back home. May mga aayusin pa kasi ako for school. Hindi nga man lang kami umabot ng one month sa Batangas eh, mas maaga na kasi ang pasukan this year.


Kung tatanungin niyo kung ano yung nangyari sa mommy ni Third, she's already okay. Wag lang raw i-stress kasi sa susunod na atakihin ito sa puso, baka ikamatay niya na. Sinwerte daw ang mommy ni Third last time dahil agad itong nadala sa ospital. Si Third? Ayun, grabe raw ang pagbabantay niya sa mommy niya while recovering sa ospital. Balita ko nga, nakauwi na sila kahapon pa.


It's late in the afternoon when I decided to watch TV, wala kasi akong magawa. Pagkakabukas ko ng TV, news agad ang bumungad sakin. I am not really interested sa news kaya nilipat ko agad sa ibang channel. But then halos pare pareho lang naman yung mga palabas. Ganito ba talaga ang mga palabas every Saturday? This really sucks.


At dahil wala akong choice, I just watched the news. Nakatitig lang ako sa tv habang nag iisip ng mga pwede kong gawin. Not until the newscaster talked about school.


Hindi ko na pinatapos, I shut it off at saka dumiretso sa kwarto ko. Well, the news just gave me an idea. Maybe I could go out and buy some stuffs.


Nagpalit na ako ng damit, kinuha ko ang wallet at phone ko at saka nagtext kay papa na aalis ako. Ako lang kasi mag-isa sa bahay. They all had their own business and I guess it's okay since, for school purposes naman ito.


Bigla namang nag-vibrate ang phone ko.


From: Papa

Okay, don't forget to lock the door and our gate.


Hindi na ako nag-reply. I just locked everything then left. Pupunta ako sa mall ngayon para bumili ng school stuffs. Hindi naman sa excited ako, ayoko lang talagang makipagsiksikan sa last-minute shoppers next week. That would be stressful.


Magpapahatid sana ako sa driver namin kaso naalala kong day off nga pala niya ngayon. Kaya naman ay napagdesisyunan ko nalang na magcommute.


Habang papunta sa sakayan ng mga jeep, may nakita akong sasakyan tapos bukas yung mga bintana. Well, it wasn't the windows that caught my eye but the car itself. Damn, ang ganda!


Patuloy lang ako sa pagtitig nang napansin ko kung sino yung nagdidrive. And what surprised me was, it's Lavine! Agad akong nagkunwari na may kausap sa phone at saka dire-diretsong naglakad. Kunwari hindi ko siya napansin. I hope it works.


Nang makalampas na ang sasakyan ni Lavine ay saka lang ako nagdahan dahan at sumakay na sa jeep.


Pagkarating ko sa mall, pumunta kaagad ako sa National Bookstore. Kailangan kong agahan kasi matagal akong pumili ng gamit. Yung tipong pati kulay at texture pinagcocompare ko pa. So ayun na nga, I bought pens, papers, notebooks and other stuffs. Kahit nga hindi necessarily needed binili ko na.


Matapos kong bumili sa NBS, naglibot naman ako sa mall. Malapit na ang pasukan and I'll surely have no time to go to the mall that time. Kailangan ko nang sulitin ang natitirang araw ng bakasyon.

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon