Chapter 7
Ilang linggo na ang nakalipas mula nung namatay ang mommy ni Third. Ilang linggo na rin siyang absent sa school. Marami na siyang na-skip sa klase. Wala pa nga kaming balita kung kailan siya babalik eh. I wonder how he accepted his mother's death.
Dahil sa mga ganung pangyayari, naisipan nilang humingi ng tulong sakin at kay Gio, tutal kami raw ang mga kaklase ni Third. Nung una, hesitant pa akong tumulong pero dahil na rin siguro sa sitwasyon ni Third, napa-oo na rin ako. He needs everyone right now and I just can't turn my back.
Ako yung inatasang magsulat ng notes at si Gio naman ang magiging tagahatid nun kina Third. Si Carmela at Yñigo na raw ang bahala mag-tutor kay Third kung sakaling may hindi ito maintindihan, advance naman raw kasi yung topics nila sa amin. Nakakatuwang isipin na lahat sila andyan para sumuporta kay Third.
Maliban sa nangyari kay Third, may isa pa akong problema. Yung journal ko kasi ilang linggo na ring nawawala. Tuwing uwian, nagpapaiwan pa rin ako para hanapin yun pero nitong mga linggong 'to, naghihintay nalang ako ng himalang may makakita nun' at ibalik sakin.
Hindi naman sa nag-aalala akong may makabasa nun', ang akin lang, halos lahat ng pinagdadaanan ko, nakasulat dun. Yung mga bagay na ilang taon kong tinago, nakasulat dun. Hindi pa ako handang mag-explain. Not now.
Tinanggal ko na muna sa isip ko yung pagkawala nung journal ko. It won't do me any good kung poproblemahin ko yun buong araw. Mababalik rin yun sakin.
I hope so.
Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat ng notes ni Third. Medyo nakakapagod yung pagsusulat na ganito kasi dalawa yung kailangan kong gawin, yung kanya at yung akin. Pero ayos lang rin, wala naman 'to compared sa pinagdadaanan niya ngayon.
Nung bandang uwian, ibinigay ko na kay Gio yung notes na ginawa ko para makauwi na ako. I'm tired and I really really want to sleep.
"Gusto mo sumama sakin?" Tanong niya sakin.
Lagi akong inaalok ni Gio na sumama sa kanya papunta kina Third kaso ayoko lang talagang makihalubilo. Not when the situation's like this.
"Next time nalang siguro." I told him.
Ngumiti nalang siya sa akin at saka nagpaalam para umalis.
Pagkakauwi ko ng bahay, humiga agad ako sa kama. Nakakapagod talaga itong araw na 'to. Wala naman akong ibang ginawa pero hindi ko alam kung bakit mas pagod ako ngayon.
Naisipan kong matulog nalang muna dahil wala naman kaming assignment.
Pagkakapikit ko nung mata ko, biglang tumunog yung doorbell. Sino naman kaya yun? Imposible namang si papa kasi andun siya sa ibang bansa para sa isang deal with different clients tapos si Kuya naman, nasa condo niya yun. College kasi, ayaw niyang mag-commute ng napakatagal.
Para masagot yung tanong ko, bumaba nalang ako at binuksan yung gate. And then I saw Third, holding my journal. Paano napunta sa kanya yun?