Chapter 10

43 6 0
                                    

Chapter 10

After that night, wala ng sumunod na pangyayaring importante. Just a usual type of weekend. And take note, my usual type of weekend is absolutely boring.

About Third's text, hindi ko nalang yun inintindi. Paniguradong nantitrip lang yung lokong yun. At saka, kapag inintindi ko yun, mao-akward lang kami sa isa't isa.


Monday nanaman and well, August na! I survived the first two months I had in school. Thank God, really.


Kanina, pagkakagising ko, chineck ko yung oras sa phone ko. And surprisingly, may isang unread message from..Third. Nung una excited pa akong basahin yun kaso nung binasa ko na, nawala yung excitement na nararamdaman ko. I don't know why.


From: Third

Can't come to school. Check-up matters. Makisama ka sa iba kahit wala ako, okay? See you tomorrow.


Ewan ko ba kung bakit pagkatapos kong basahin yun, parang nadisappoint ako. I can't find any valid reason to feel that way. Baka naman hindi lang ako sanay. Palagi kasing nandyan si Third sa tabi ko eh.


Pagkapasok ko sa school, I don't really feel like going. Para bang gusto ko nang umuwi at matulog nalang kesa tumunganga sa room. Then I realized, si Third lang naman yung dahilan kung bakit ako nakikipag-usap and I shouldn't depend on him. Siguro, kailangan ko ring makihalubilo sa iba in my own ways.


Dahil sa realization na yun, I decided to talk with Gio. Hindi naman dahil siya ang ideal guy ko kundi dahil seatmate ko siya at of course, kabarkada. Medyo weird naman kung mismong seatmate ko hindi ko kinakausap diba?


So I decided to talk to him sa break time.


Our first two subjects were really boring. Paano kasi yung teacher namin, parang robot magsalita tapos parang walang pake kung may nakikinig o wala. Kapag nagtanong ka naman, sasabihin sayong hindi ka nakikinig. That's why I thought it's better to shut up my mouth, mapapagalitan lang ako.


Nung recess time na, umalis si Gio para bumili sa canteen. Sinundan ko naman siya doon. To be honest, I don't really know how to approach him. Hindi kami super close. There is still a wall between us and I want to break that wall. Ayokong kay Third lang ako nakadepende. I have to learn from my mistakes.


So, ayun na nga. Dahil pumila si Gio, pumila nalang rin ako. Nasa likod niya ako, malamang ako yung sumusunod eh. Nakita niya ako pagkatapos niyang bumili but he just fainted a smile. Wait. May problema ba yun?


Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi rin naman nagtagal dahil sa tinderang atat. Bumili nalang ako ng pineapple juice at saka dumiretso sa room.


Pagkakapasok ko sa room, nakita ko si Gio na nakaupo sa upuan niya. He's quiet. Naisip kong baka may problema siya kaya hindi ko nalang siya kinausap. Baka kasi gusto niya munang matahimik.


Hindi ko sana siya kakausapin kaso siya naman ang kumausap sakin. Akala ko naman wala siya sa mood. Buti nalang at okay siya.


"Hi Jaq." Panimula ni Gio.


"Uh uhm, hello!" I told him.

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon