Chapter 14

48 7 0
                                    

Chapter 14


Matapos nung rejection na natanggap ko mula kay Third, everything really changed. Naging mailap na siya sa akin and I don't know why. Dahil sa review na yan nagkandaewan ewan na ang lahat. Hay nako.


Speaking of review, ngayon namin naisipang magreview ni Gio. Sabi niya kasi sakin, mas maganda magreview sa Saturday para raw sa Sunday nakapahinga na yung utak. Ngayon ko nga lang nalamang may ganun pala.


Crammer type kasi ako. Sa mismong araw nga ng exams ako nagrereview eh. For me, it is easier that way. Pero wala namang masamang itry yung style ni Gio, baka nga mas madali pa yun eh.


Napag-usapan naming sa bahay nalang namin mag-aral. Wala kasing tao sa amin. Unlike kina Gio na kasama niya yung iba niyang pinsan sa bahay nila. Baka raw hindi kami makapag-concentrate doon. Well, I agree. Hindi ako maka-concentrate kapag maingay.


So ayun na nga, ang sabi ko sa kanya, magkita nalang kami sa school kasi baka hindi niya alam kung saan yung bahay namin. Kaso ang sagot niya sakin maghintay nalang raw ako sa bahay namin, alam niya na kung saan ako natira.


Ang ipinagtataka ko lang, paano niya kaya nalaman kung saan yung bahay namin? Hindi kaya..


Baka naman sinabi sa kanya ni Third.


Yes, Third. Naalala ko nanaman yung lalaking yun. Nakakamiss na siya. Nakakamiss na yung masayahin niyang side. Yung grabe mang-asar. Kahit na nakakainis, hindi hamak na mas okay pa yun kesa sa ngayon. Yung sa ngayon kasi, parang kailangan ko pang piliin yung mga salitang gagamitin ko sa kanya. Bakit ba bigla nalang siyang nagkaganun?


Natigil ako sa pag-iisip ko nung biglang tumunog yung doorbell. Agad akong naglakad patungo sa gate. Pagkakabukas ko nung gate, bumungad sakin si Gio. And wow, he looks really handsome with his attire. As far as I can remember, review ang ipinunta niya dito at hindi date. Wait, why am I even thinking about dates?


"Hey, is everything okay?" Sabi niya sakin nung medyo mapatulala ako.


"O-oo naman. Pasok ka." Pag-aaya ko pa sa kanya. "Uhm, umupo ka na muna diyan kukuha lang ako maiinom natin. Saglit lang naman 'to, magreview na rin tayo pagkatapos."


Hindi ko na hinintay pa yung sagot niya sa sinabi ko. Pumunta na ako sa kusina at saka kinuha yung juice na tinimpla ko kani-kanina bago pa siya dumating. Naglagay na rin ako ng cupcakes sa isang plato. Nagpaorder rin kasi ako kanina para meron naman kaming makain ni Gio.


Matapos kong ayusin ang kakainin namin, iniligay ko na ito sa tray at saka dinala sa sala. Naabutan ko pa ngang nagtitingin tingin si Gio ng pictures eh. Nakuha ko naman ang atensyon niya nung inilapag ko yung tray sa isang table.


"Sorry, hindi ko kasi mapigilang hindi tingnan yung mga pictures eh." Paghihingi niya pa ng paumanhin.


"It's okay. Pictures lang naman yun eh." Sabi ko pa sa kanya. "Uhm, review na tayo?" I asked.


"Huh? Si Third? Hindi ba natin siya hihintayin?"


"Hindi ko pa ba nasasabi sayo? Siya nalang raw magrereview mag-isa eh." I said, sadly.


"Oh. I thought makakasama natin siya. Well, let's start. Mahaba habang review-han pa 'to." Sabi niya. Nginitian ko nalang siya at saka ko binuklat yung libro ko.



Naging maganda yung paraan ng pagrereview namin. Kanya kanya kaming mag-aaral tapos kapag may hindi naintindihan yung isa tapos alam naman yun nung isa pa, ituturo niya yun. Parang palitan lang kami ng nalalaman. Kung tutuusin nga, halos si Gio nga lang yung nagtuturo sakin eh. Buti nalang pasensyoso siya. If not, baka inis na inis na siya ngayon sa dami ng tanong ko.


Tahimik lang kaming nagreview. May mga oras na nag-aasaran kami at nagtatawanan pero babalik rin naman sa pagrereview pagkatapos. Masayang kausap si Gio. Hindi siya yung tipo ng taong nakikinig lang. He also shares his own experiences. Hindi niya hahayaang ikaw lang yung nagsasalita. I really recommend him to people, lalo na kapag gusto mong may makakausap.


Kahit na naging maganda yung takbo ng review namin ni Gio. I can't deny na merong kulang. I don't know if it was just me or my guilt.


Habang nagrereview, hindi ko maiwasang hindi maisip si Third. Kung nagrereview na rin ba siya tulad namin? Kung naiintindihan niya ba yung nirereview niya? Kung may pumapasok naman ba sa utak niya? I just can't stop from thinking about Third.  


Natigil yung iniisip ko ng biglang magsalita si Gio.


"Is there any problem?" He asked me nang mapansin ang pagiging balisa ko.


"Wala naman. No, actually... meron." I said then sighed.


"And it is all about?"


"Third." Matama kong sabi.


"What about him?"


"Eh kasi nga diba mag-isa lang siyang nagrereview. Nagiguilty ako. Kasi naman ako yung naunang mag-reject sa offer niya."


"Pero inalok mo rin naman siya diba? And he rejected you."


"Sus, hindi naman sa kilalang kilala ko si Third pero halata namang sinabi niya lang yun kasi nireject ko yung offer niya. Ano bang pwede kong gawin? Dahil sa rejection na yan, naging awkward na naman kami ni Third."


"Why not give him something?"


"At ano namang 'something' yun?"


"Kung ano mang gusto mong ibigay. Yung parang peace offering, ganun."


"Gagana ba yun sa kanya? Baka mamaya hindi niya pa tanggapin yung ibibigay ko."


"Tatanggapin niya yan, trust me. Magiging okay kayo ni Third after niyan."


"Sana." Sabi ko at saka napabuntong hininga. "Ituloy na natin yung pagrereview." Sabi ko at saka kami nagpatuloy sa pagrereview.


Ano bang pwede kong ibigay sa kanya? I thought.


Hindi ko naman thing ang pagbibigay ng regalo, peace offering or whatsoever. I suck at giving gifts. Baka mamaya lalo lang kaming magkaaway kapag hindi niya nagustuhan yung ibibigay ko sa kanya.


I have to have a nice offering, yung pinag-isipan. Ayokong mawala yung friendship na meron kami. Naging close na kami eh. Hindi ko naman pwedeng hayaan nalang yung mawala dahil sa kaewanan ko.


Mamaya ko na nga iisipin yun. Baka mamaya, ako pa yung walang maisagot sa exam dahil sa kaiisip kay Third. Gagawa ako ng paraan para maayos na 'to. But for now, exams na muna yung iisipin ko. 

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon