Chapter 15

82 9 0
                                    

Chapter 15


Exams day.


Yes, ngayon na kami mag-eexam. Medyo kinakabahan ako sa exam. Alam ko sa sarili kong nagreview ako pero syempre hindi naman lahat ng nireview ko lalabas dun. Malay ko ba kung may nakaligtaang ituro si Gio, diba? Pero, nagtitiwala naman ako kay Gio. Alam kong hindi niya hahayaang bumagsak ako.


Pagkarating nung adviser namin, agad na kaming nagsiupuan sa mga upuan namin. One seat apart ang arrangement namin ngayon. Hay, kinakabahan talaga ako.


Binigyan kami nung adviser namin ng limang minuto para gawin yung mga kailangan naming gawin. Yung iba nagsipuntahan sa CR. Yung iba nagdasal. Yung iba hinanda yung mga gamit nila. At ako naman? Ayun, tinitingnan ang balisang si Third.


Sa totoo lang, kinakabahan ako para kay Third. Paano kung may hindi siya alam sa pinag-aralan niya? Ilang beses rin kaming hindi umattend ng klase para sa practice. Sana naman masagot niya lahat.



Maya maya lang, ibinigay na sa amin yung test paper. Eto na yun, kailangan ko na munang kalimutan yung ibang iniisip ko. Huminga muna ako ng malalim at saka nagsimulang sumagot.


Tahimik akong sumagot. Medyo madali lang rin yung exam. Halos lahat naituro sa akin ni Gio. Well, buti nalang talaga. Kaso ko nanaman maiwasang hindi isipin si Third. Paano nalang yung ibang parteng hindi naituro sa amin? Paano niya kaya yun sinagutan?


"5 minutes left." Anunsyo nung teacher. Nagfocus na ako sa pagsagot at nakapagpasa naman on time. Tumayo na ako sa upuan ko para magrecess kaso nakita ko si Third, hindi pa tapos mag-exam. Nahihirapan ba siya? Damn, nakakaguilty.


Napagpasyahan kong hindi na muna ako magrirecess. Hihintayin ko nalang si Third. Sasabayan ko nalang siguro siyang mag-recess.


Pagkatapos niya sa exam, agad ko rin naman siyang nilapitan.


"Third, kamusta exams?"


"Okay naman, ang dali nga eh." Sabi niya na nakapagpagaan naman ng loob ko.


"Luh, ang tagal mo kayang sumagot."


"Tinatamad kasi akong magsulat. Hay, gutom na ako. Alis na muna ako ha?" Sabi niya at saka naglakad palayo.


Sasabayan ko dapat siyang magrecess eh. Hindi bale na nga lang.



Kanina, nabalitaan kong ilalabas na yung resulta nung exams before lunch. Ang bilis nga eh. Sa dati ko kasing school, aabutin ng ilang araw bago malaman yung results. Nakakakaba naman pala dito tuwing may exams.


Maya maya lang, nagring na yung bell na naging hudyat ng lunch time. Hindi ko na hinintay pa si Gio sa pagtingin ng resulta. Umuna na ako sa kanya. Gusto kong malaman yung resulta ng exams ni Third. Mabawasan man lang yung guilt na nararamdaman ko.

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon