Chapter 6

55 7 0
                                    

Chapter 6


Ilang linggo na ang nakalipas mula nung nagsimula ang pasukan. Napakabilis talaga ng panahon. Sa isang linggo na yun, wala namang importanteng nangyari bukod sa pagpapakilala. Yung ibang teachers, nagsimula nang magturo. Yung iba naman nagbibigay pa muna ng activities na makakapag-unite saming magkakaklase, ewan ko ba sa kanila. Ang daming alam.


So ayun na nga, tatlo kaming bago sa klase, si Gio, Third at ako. Sina Carmela at Yñigo naman ay sa ibang section napunta. Hindi ko nga inakalang dito pala sila lilipat sa school na lilipatan ko. What a small world, isn't it?


Napakaunexpected nung pagkikita kita naming lima. Nagulat pa nga ako nung makita ko sila nung first day of classes eh.



Unang araw na ng pasukan. I am not really excited. Hindi ko alam kung paano ko na naman masusurvive ang isang buong school year ng mag-isa. Well, dalawang taon ko na namang nagawa, I bet masusurvive ko rin ito.


As I was walking papunta sa mismong building ng school, nakarinig ako ng iba't ibang ingay mula sa likod ko.


"Ang gwapo kainis." Girl 1.


"Ako unang nakakita sa kanya ha!" Girl 2.


"Hoy Carmela, saan ka ba papunta? Wag ka ngang manguna." Boy 1.


"Saglit may titingnan lang ako." Girl 3.


Rinig ko mula sa iba't ibang tao. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa balikat ko. Humarap naman ako at nakita ko ang mukha ni Carmela, kaibigan ni Yñigo.


"So, dito ka rin mag-aaral?" She asked.


"Yes." I said, obviously. Kasabay naman nun' ang paglapit sa amin nung tatlo pa.


Damn, dito rin sila mag-aaral?


"Uhm, bye na muna ha? I'll check my section sa bulletin." Sabi ko bago pa man sila makapagsalita.


"Sasama na kami. Hindi pa rin namin alam section namin eh." Said Third.


"Pero- "


"No buts. Isang lugar lang rin naman ang pupuntahan natin eh. Tara na." Sabi ni Third sakin sabay baling sa mga kasama niya.


I really hate his guts. Nahahalata niya namang umiiwas ako, lalapit pa. Nananadya ba siya? Tumango nalang ako at nanguna.


Pagkarating ko sa may bulletin board, hinanap ko yung pangalan ko.


"Section B, huh?" Mahina kong sabi.


"Uy, kita mo nga naman oh, section B ka rin?" Sabi ni Third at saka ngumisi.

AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon