Chapter 11
Time really flies so fast. At dahil ilang buwan na rin naman ang nakalipas, unti unti nang nagkakaroon ng events sa school namin.
Tulad nalang nung binanggit kanina sa flag ceremony. Mayroon raw pinaplanong concert-for-a-cause kuno ang student council. Naaprubahan na nga rin raw ito ng school director kaya wala ng problema.
Ayon pa sa narinig ko, mag-iinvite pa nga raw sila ng ibang schools para manood sa concert na yun. Magkakaroon kasi ito ng entrance fee, kaya mas maganda kung maraming pumunta. Yung malilikom na pera naman ay idadagdag nila sa funds na idodonate sa napili nilang orphanage.
Manonood nalang siguro ako nun para makatulong.
Pumasok na ngayon si Third tulad ng sinabi niya sa text. Okay naman, yes nandyan siya. He's physically here but he's mentally absent. And I don't think he's fine. Para bang may gumugulo sa kanya. Kapag tinatanong ko naman siya, ang sasabihin niya lang sakin ay puyat siya. Mukha namang ayaw niyang sabihin edi fine. I respect his privacy.
Medyo boring yung araw ko ngayon. Wala kasing imik si Third. Si Gio naman, super focused sa pakikinig sa teacher tapos kapag break, magbabasa naman siya. Masyado siyang dedicated sa studies niya, I must say.
Maya maya lang, homeroom time na namin. Parang time yun kung saan pwede mong gawin yung mga kailangan mo for tomorrow or for the other day. Kaso nga lang, may i-aannounce raw yung adviser namin. Buti nalang, wala kaming assignment para bukas. Atleast, hindi makakain yung oras ko.
Pagkakapasok nung teacher namin sa room, nagsiayusan na kami ng upo. Strikto kasi, kaya ayun nagtinuan bigla.
So ayun na nga, nanahimik kaming lahat nung bigla siyang magsalita.
"Narinig niyo naman siguro yung announcement kaninang flag ceremony hindi ba?"
"Yes." We all said in unison.
"So, since may ganun ngang event ang school, napag-usapan namin kanina ng mga teachers with the officers of the student council, yung mga mangyayari.
In a concert, hindi pwedeng walang magpeperform. At dahil hindi naman yun kakayanin ng student council, alone, we decided to get a pair from each section para magperform."
"I'll do it, ma'am." Pagvovolunteer ni Emma, seatmate ni Third.
"No, Ms. Sanchez. Bubunot ako kung sino ang magpeperform sa inyo."
"Is that even necessary? For sure, hindi naman lahat gustong sumali diyan." Sagot ni Emma.
"It is. I just want to be fair. Merely because, yung dalawang mabubunot ko will be exempted for the examinations in my subject." Pagkakasabi nun nung adviser namin ay narinig ko ang pagsinghap nung iba.
Great. Now, it's a big loss kapag hindi ikaw yung napiling magperform.