Dito sa mundong walang kasiguraduhan
At sa mundong aking ginagalawan
Isa lang ang aking kailangan
Ito'y ang makapiling ka magpakailanmanUnang tingin pa lang,
Ako'y iyong nabihagSa mga mata mo
Na mistula'y isang paraiso
Maganda
Maaliwalas
Masarap titigan
Nakakalula na tila ba
Ako'y nahipnotismoIkalawang tingin,
Doon ko nakita
Mula ulo hanggang paa
Ito'y kayganda
Sa aking mga mataMata na hinihiling titigan ka Hanggang sa tayo ay tumanda
Ikatlong tingin,
Aking puso'y kumakabog
Tuhod ay nanginginig
At dila'y di makaimik
Na para bang nakakita
Ng artista sa isang pelikulaIkaapat,
Nagtama ang ating mga mata
Nagmistula na ito'y itinakda
ng tadhana
Para sa ating dalawaLima, Anim, Pito,
Hanggang sa umabot na sa punto
Na hindi na maibilang pa
Ang mga panahon
Na ang ating mata'y nagtagpoMay ipinapahiwatig ka na kaya?
O baka ako'y feelingera lang talaga?Sa bawat araw na lilipas
Sa bawat titig na dadaan
Ang nais ko'y iyong malaman
Na nandito ako paratiMaaaring sa iyong kiliran,
Harapan o likuran,
O kung kahit saan,
Ito ay iyong tandaan
Ako'y iyong tunay na maaasahanDahil sa kadahilanang...
Ako ay humahanga sa iyo
Sa iyong kagandahan
Sa panlabas at panloob na anyo
Hindi man kita gaanong kakilala
Pero gusto ko ikaw ay aking makasama
Sa hirap man o ginhawaAt sa sabik
Na ikaw ay gusto pang makilala
'Di na ako magdadalawang-isip
Sasabihin ko na
Na ako ay sobra sobrang humahangaPaghanga na alam ko
Ay magle-level up pa
Hindi ko pipigilan ang sarili
Na mahulog sa patibong moKahit alam kong
Wala kang planong sumalo
At kahit alam ko ring
Hindi tayo taloAng pagkapit ko sa pag-asang
Ikaw ay mapasaakin
Ay parang sinindihang kandila
Na unti-unti nang nauubosHindi malaman
Kung hahayaan na lang ba
O pipiliting panatilihin paAasa pa ba o hihinto na
Magbibilang na nga lang ba hanggang sa mawala?Talto,
Dalawa,
Isa,
Kailan pa kaya?Kailan pa mawawala itong pag-asa?
Bago pa maubos ang kandila,
Hayaan mong isigaw ko ito
Sa iyo at sa harap ng mga tao
"*insert name*! Oo na, gusto kita!"Gustong-gusto ko
Ngunit alam kong malabo
Na Ikaw at ako
Ay magiging tayoKaya naman ako'y nakatulala
Tinitignan na lamang
Ang mga patak galing sa kandila
Na iilang sandali'y mauubos naHeto ako,
Nagbibilang paatras
At sa bawat pagbigkas,
Ako'y nanghihinayang
Dahil walang "tayo"
Kundi ikaw lamang at akoAasa pa ba o hindi na?
Sa tingin ko,
tama lang na ito'y ihinto na.
BINABASA MO ANG
Written Poetry
PoetryStumbled into a whirlwind of endless thoughts Only did it made sense When I grabbed a pen and fought Arranged them in words that felt intense Since 2018