This poem is inspired by Me Before You of Jojo Moyes.
Ikaw nga ba o ako,
Ako'y nalilito sa mga tanong
Na hindi na dapat pang nabuo
Dito sa isipan kong sobrang gulong-guloOo, ikaw ay aking sinisinta
Ngunit ipagpatawad mo sana,
Dahil iniibig ko rin ang sarili koAng sarili kong sa sakit
Ay matagal nang nagdusaAng sakit ay aking iniinda
At ang lungkot ay nakakulong
Sa loob ng aking sistema
Para bang isang ibon
Na walang pag-asang makalabas sa hawlaDahil sa mga masasayang ala-ala
Na hindi na muling maibabalik pa
Anng mga pangarap ko'y biglang naglaho
Ito'y para bang isang bula
na sa isang pitik lang ay nawalaBiglang naglaho ang mga kulay sa mundo
Nagmistula na ako'y nasa isang lumang pelikula
Walang ka kulay-kulay
At inaakto lamang ang buhayAaminin kong puno ng dilim
Ang buhay kong ito
Ngunit ito'y nagkaroon ng kaunting ningning
Nang ikaw ay dumatingAko'y nasilaw sa ningning na iyong bitbit
Talagang ito'y nakakapanibago
At heto naman ako,
Lalong nasasabik sa iyoSa taglay mong liwanag,
Ang dilim ay unti-unting naglahoKaya sa bawat araw na nagdaan,
Ikaw na ang aking hinahanap
Sa kaligayahang hatid mo
Aking napagtanto na ang lahat ng bagay sa mundo
Ay maaaring maging perpekto
Kapag ikaw ang kapiling koNgunit kasabay nito ay ang realidad na kumakatok sa pinto
Kumakalabog at mas lalong lumalakas
Na para bang sinisigaw,
"Tao po! Tao po!"Ginigising ako ng katotohanan
Na hindi magiging perpekto
Ang buhay mo, mahal ko,
Kung ako ang makakapiling moDahil sa bawat liwanag na aking natanggap,
Sa bawat ngiti na nakurba sa aking labi,
Kaakibat nito ay ang kadiliman ng buhay ko
Na lumilipat papunta sa iyoAng munting paghilom ng sugat,
Ang pagkalimot sa sakit,
Ang kaunting ligaya na nasilayan,
Ay pawang mithi lamangGinawa kitang panakip-butas
Upang malimutan
At hindi matuonan ng pansin
Ang dilim na dala ng nakaraanAking sinta,
Aking mahal,
Aking nag-iisang irog,
Ipagpatawad mo sanaAng gagong minahal mo'y 'di buo
At kailanman ay 'di na mabubuo
Pasensya na sa pipiliin kong baluktot na landas
Na pinag-isipan ko noong ilang araw ang lumipasKung ako man ay patuloy na mabubuhay,
Paghihirap lamang ang maidudulot ko sa'yoAt habang dumadaan ang panahon,
Baka ang pag-ibig mo'y maglahoKaya habang maaga pa,
Wawakasan ko na
Hindi lamang ang ating relasyon
Kun'di pati na rin ang aking nag-iisang buhay
Na nawalan na ng saysay
Simula noong ako'y naaksidente
At nawalan ng bintiKaya sa pagsapit ng araw na ako'y papanaw
Luha mo'y huwag mong pigilan
Ipalabas mo ang paghihinagpis na iyong naramdaman
Dahil ito na ang huling sakit na maidudulot ko sa'yoSapagkat sa pagtalikod mo sa aking lamay,
Magkakaroon ka na ng panibagong buhay
Buhay na puno ng saysay
Malayo sa buhay na aking naibigayHuwag mong pigilang maglakbay
Ang iyong malayang mga paa
Huwag kang manatili sa nakaraan
Na kagaya ng aking ginawaSa iyong paglakbay, ay huwag ka nang umiyak
Kung ako man ang dahilan
Huwag mong sayangin ang luha para sa 'kin
Dahil hindi ako karapat-dapat sa iyong paghihinagpisPero 'wag mo sanang kalimutan
Ang lahat ng ating pinagdaanan
Sana'y iyo pa ring maramdaman Kung gaano kita kamahalSa huling sandaling ito, ako'y hayaan mo
Na sabihin sa iyo ang mga katagang ito
"Mahal na mahal kita pero pagpasensyahan mo na.
Dahil sa sobrang pagmamahal ko, ayaw kitang magdusa."Kasunod ng pagtatapos nito,
Ay ang pagtakas ko sa mga problema ko
Ang paglaya ng sarili ko
Na nakakulong sa kulang kulang na katawang itoHuwag kang mag-alala,
Hiling ko ay ang kaligayahan mo
Huwag kang makonsensya
Dahil ako nga dapat ang humingi ng pasensyaPasensya kung nadamay ka sa buhay kong ito
Pero kahit ganoon, hindi ako nagsisi na makilala ka
Dahil iyong pinaligaya ang iilang sandali nitoKaya mahal, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa
Iisang kataga lang ang gusto kong sabihin
Kahit alam kong napakasakitAking mahal...
Paalam na.
[A/N: Your votes and comments will be highly appreciated. Thank you!]
BINABASA MO ANG
Written Poetry
PoesieStumbled into a whirlwind of endless thoughts Only did it made sense When I grabbed a pen and fought Arranged them in words that felt intense Since 2018