Akala ko walang bitawan
At sa altar ang ating hantungan
Ngunit sa paglipas ng oras
Ikaw ay unti-unting nagbago
Nasaan na ang iyong pangako
Na hanggang sa dulo'y hindi susuko
Dahil sa bawat buhos ng ulan
Kaakibat nito'y liwanag ng araw
Araw na sana'y nagbibigay ng pag-asa
Ngunit sa pagdaan nito,
Tila ba'y ikaw ay nawalan ng gana
At hindi na maipinta ang iyong mukha
Habang nakatingin sa iyo sa tabi niya,
Ang luha ko'y di mapigilan
Dahil naaalala ko
Ang lahat ng ating pinagdaanan
Ang 'di malimutang karanasan
Ng ating nakaraan
Mula nang tayo'y bata pa
Hanggang sa tayo'y nagmahalan
Ay mananatili na lamang alaala
At hindi na madadagdagan pa
Sa iyong pag-iwan,
Ako'y nasaktan
Ayaw ko ngang huminga
Dahil sa simpleng paghinga ko,
Ikaw ang aking naaalala
Para bang wala nang bukas
At napuno na ng lungkot
Ang buhay kong ito
Nang mawala ka sa tabi ko
Pinili mong bumitaw
Sa ating pangarap, kinabukasan,
At sa ating pagmamahalan
Ito'y madali mong tinalikuran
Nang ikaw ay lumiko ng landas
Sapagkat ang iyong 'paalam'
Ay ang pagwakas ng ating samahan
Samahan na inakala ko'y
Mananatil na walang hangganan
Bakit ka ba sumama sa kanya?
Kung naririto naman ako
Na handang maging kaakibat mo
Sa lahat ng bagay
Maging sa dilim man o liwanag
Sa huli ay pinili mo pa rin
Na siya'y iyong makapiling
At sa isang iglap,
Ang ating pagmamahalan
Ay biglang naging alaala na lang
Hindi na madadagdagan
Wala nang pag-asang maibalik
At mananatili na lamang sa memorya
Na para bang kaydali lamang
Ang iyong pagbitaw ay naririto pa rin
Nakatatak sa aking puso at isip
Dahil mas pinili mo ang iyong ina kaysa sa akin
Ang iyong ina na matagal nang sa langit ay nagpapahinga
Ang desisyon mong itigil
Ang iyong pag-asang mahilom
Ay ang pagtigil din ng tibok ng iyong puso
Mahal, bakit mo ako iniwan?
Masakit man tanggapin
Na wala ka na sa mundong ito
Ngunit buhay ko'y ipagpatuloy ko pa rin
Kagaya ng iyong habilin
Masakit tanggapin
At masakit isipin
Na ngayo'y nasa langit ka na
At hindi ako ang iyong kapiling
Masakit alalahanin
At masakit makita
Na ang taong gusto kong makasama
Ngayon ay mapayapa
At mahimbing na natutulog
Na kahit anong yugyog
O hagulhol ko sa iyong gilid
Kahit ilang alarm clock pa
Ang itabi sa iyong higaan
Ika'y nagmistulang statuwa
Na walang pakialam sa paligid
At kailangan kong tanggapin
Na hindi ka na kailanman
Muling makakapiling
BINABASA MO ANG
Written Poetry
PoetryStumbled into a whirlwind of endless thoughts Only did it made sense When I grabbed a pen and fought Arranged them in words that felt intense Since 2018
