6 - Miss New Secretary.
WARNING! SPG CONTENT!
Sa two blocks na nilakad namin, nakakatuwa na nagkapalagayan kami ng loob ni Seven. Three years na daw sya sa Centero at okay naman daw dun. Isang taon daw sya'ng nag house to house servive muna sa pag gawa ng mga computers at laptop after his graduation tapos nagpasya sya na mag apply na nang marinig nya na may hiring sa Centero.
"Yep, nasa twentieth floor din ang I.T department. Hati ang twentieth sa office nang I.T department at nang mga executives. Yung lower floor kasi pinapaupahan sa iba'ng companies. Nakakatuwa nga, may tatlo'ng law firm sa Centero Towers."
Napapatango lang ako habang nagkekwento sya. I lIike intelligent guys. Seriously. I feel drawn to Seven all of a sudden. Papasok na kami noon sa Centero Towers. Ang daming nagmamadali'ng empleyado.
Pumunta ako sa front desk. Kasunod ko naman si Seven.
"Hi! I'm Katrina San Sebastian. New secretary ako ni Mr. Julian Scott." Nakangiti na sabi ko. I flipped my hair, ang init!
Nagkatinginan yung dalawang babae sa harap ko tapos umubo yung isa bago ako sinagot.
"Okay po Miss San Sebastian. Kanina ka pa po hinihintay ni Mr. Scott."
Nangunot ang noo ko.
"Eh kasi three times na po tumawag yung current secretary nya at pinapatanong kung dumating na kayo. Akyat na lang po kayo sa twentieth floor." Nakangiti yung babae.
"Ah.." Tumango lang ako. "Okay. Thanks." I smiled then lumapit na kay Seven. "Tara na?"
Tumawa si Seven as we started to walk towards the elevator.
"What's funny?" Nakangiti na tanong ko.
"Wala lang. Parang ang lakas mo kay Bossing."
Tumawa na lang sya.
Madami pa kami napag usapan habang nasa elevator. May mga kasabay kami pero may kanya kanya naman kaming topic. We we're the last to get out. Nagtatawanan kami dahil nagsabi ng pick up line si Seven habang palabas.
"What took you so long?"
Agad na nawala yung ngiti namin ni Seven nang bumungad sa gilid nang bumukas na elevator doors ang madilim na mukha ni Julian.
"S-sir.." Ang tanging lumabas sa labi ko. Humigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko.
"Good Morning Mr. Scott." Bati ni Seven. "Kat, una na ako. Nice meeting you." Kumaway pa sya sa akin tapos naglakad opposite way.
"Kaya pala ang tagal mo, nakikipag landian ka sa empleyado ko." Mahina lang iyon, pero madiin.
Napa awang ang labi ko sa sinabi nya. He look mad.
"Hindi no!" I looked at him in a disgusting way.
Nagulat ako nang bigla nya ako'ng hinawakan sa braso. Medyo mariin, pero hindi naman ako nasasaktan kaya hindi na ako nagreklamo.
Napabilis ang paglalakad ko because he was dragging me. Pumasok kami sa isa'ng wooden door, tumambad sa amin ang isa'ng table at ilang filing cabinets at isa'ng babae na nasa swivel chair.
Napatayo ito nang makita kami. Binitiwan na ako ni Julian.
"Janice, this is Katrina." Stiff na sabi ni Julian.
"Ah, o-opo." Biglang nataranta yung Janice. "H-halika, iti training na muna kita for three days." tapos ngumit sya sa akin.
Walang sabi na tumalikod na lang si Julian at pumasok sa isa pa'ng pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/16245620-288-k983143.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unlikely Business (Completed)
General Fiction[18+] PUBLISHED UNDER RED ROOM. Available in National BookStores and Precious Pages Bookstore. -------------- Instagram.com/theellestrange Twitter.com/ellestrangewp