Instagram.com/theellestrange
Twitter.com/ellestrangewp
------------
"Are you free tonight?"
Hindi pa ako nakakapag hello ay iyon agad ang bungad ni Julian sa akin sa kabilang linya.
"No." Maikli na sagot ko.
"Are you going out?" Nakikinita ko na ang pagkunot ng noo nya base sa tono ng boses nya.
"Yes." Sagot ko pa.
"Saan? Saan ka pupunta?" His voice is full of curiosity and urgency.
"Basta. I'll be out." Inis na sagot ko pa.
I heard him sigh. One week na kaming ganito. Isang beses ko pa lang sya pinagbigyan sa araw araw na pag aaya nya sa akin lumabas. It's no secret na grabe ang effort nya sa pagsuyo sa akin. Nagugustuhan ko iyon pero lately ay parang naiinis na ako sa kakulitan nya.
I mean, he's been extra sweet and all. Araw araw sya nagpapadal ng bulaklak. Pag gising ko ay tinuturo na lang sa akin ni Kevin yung baskets ng flowers na may note. Then he would call me para ayain mag lunch na palagi ko'ng tinatanggihan. Hindi sya maka reklamo.
Last Wednesday ay pumayag ako makipag dinner sa kanya. I miss Julian, pero alam ko na hindi magiging ganoon kadali yung pagbalik namin sa dati. Hindi ako ngumiti the whole time na kumakain kami. Walang nagsasalita. Palagi lang syang bumubuntong hininga.
Hanggang ihatid nya ako pauwi ay wala ako sinabi. Ni hindi nya man lang ako nahawakan.
"Kat naman.. Miss na miss na kita." Rinig ko ang paghihirap sa boses nya.
But i really don't want to see him now.
Okay, fine i do. I miss him so much too kaya lang, i need to keep my distance. Hindi basta biro yung pinagdaanan namin and i think i am entitled for some time and space. Although ini entertain ko naman mga tawag nya.
"I know." Malamig na sabi ko. Deep inside ay gusto ko'ng bawiin ang sinabi ko and tell him how i miss him too.
"Fine. Pwede ba ako sumama sa lakad mo?"
"No." Agad na sagot ko. Then i bit my lower lip. Kahit naman one week ko nang ginagawa ito, mahirap pa rin. Lalo na kapag everytime na naririnig ko boses ni Julian, gustong gusto ko na sya makita at mayakap.
"I can't take this anymore, Kat. I want to see you. I want to be with you. Please." His voice is hoarse at may diin ang PLEASE nya.
"Fine. Ako na lang pupunta sa condo mo pero mga past 9pm na." Hindi ko na inisip yung sinasabi ng utak ko na dapat hindi ako pumayag,
"R-really?" Biglang naging masigla yung boses ni Julian.
"Yeah." Bored na sagot ko. "I want two pizza boxes and some beers. Okay?" Sabi ko na lang.
"Sure, sure. Pero bakit late na? Saan ka ba pupunta?"
"You don't want to know." Sabi ko na lang. "Sige na. Bye." Then i cut the line.
Inayos ko sa harap ng salamin yung buhok ko. Tutulong ako sa mart ngayong hapon hanggang gabi. The whole week was fine. I spent most of the nights with Theresa, Reiza and Zara. I explained to them na nagkaroon lang kami ng misunderstanding. I can't really spill to them the real reason.
Nag commute lang ako papunta sa mart. Pinagamit ko yung kotse kay Kevin. Next week na daw opening nung papasukan nyang bar kaya nagliliwaliw na sya. Maingat naman si Kevin kaya alam ko na hindi nya naman ididisgrasya yung kotse. Sigurado naman kasi bukas na ihahatid ako ni Julian.
BINABASA MO ANG
The Unlikely Business (Completed)
Ficción General[18+] PUBLISHED UNDER RED ROOM. Available in National BookStores and Precious Pages Bookstore. -------------- Instagram.com/theellestrange Twitter.com/ellestrangewp