Overcoming Phase One.

111K 2K 55
                                    

4 - Overcoming Phase One.

"Wag ka na bumaba. Ako na lang." Naka nguso na sabi ko nang tumigil na yung kotse ni Julian sa airport. In the back of my mind, para naman hindi ako talo, gusto ko'ng hayaan si Julian na isipin na may boyfriend ako, kahit na supposedly ay makikipag break ako.

He licked his lips before talking. "Make it quick."

I hope hindi nya iyon sinadya dahil parang ayoko na bumaba ng kotse at tingnan ko na lang sya habang ginagawa iyon.

"A-alright. I'll call you." Na lang ang sabi ko.

Bumaba ako ng kotse tapos pinaandar nya na agad iyon.

I called Baby kung nasaan sya at agad ko sya'ng pinuntahan. Kita ko ang pagtataka sa mukha nya nang makita na wala ako'ng dalang baggage.

"Ah ano kasi Baby.." Nahihiya ako sa totoo lang. Ang dami na naming effort para dito tapos bigla ako'ng hindi matutuloy?

"Ate? Bakit wala ka'ng gamit?" Sinalubong nya ako. Agad sya'ng tumayo mula sa pagkaka upo sa waiting area.

I pressed my lips before i sighed. "Baby.. Sorry. M-may nag offer kasi sa akin ng trabaho kahapon. Ano kasi.. ang ganda nung offer. Eh alam mo naman na gusto ko lang pumunta sa Canada dahil sa kikitain. P-pumunta ako dito para sana sabihin sa'yo ng personal n-na ano.. h-hindi na ako makakasama."

I saw Baby pouted. "Gano'n ba ate? Okay lang naman. At least hindi mo na kailangan umalis. Buti ka pa." Then she smiled.

"O-okay lang ba sayo? Di ka galit?" Inaarok ko kung baka magtatampo sya.

Umiling ito. "Hindi po. Okay lang talaga. Parang ang dating, destined na wag ka matuloy kasi bago ka umalis, nagka job offer ka."

I hugged her tapos iminuwestra ko sya na umupo ulit sa upuan sa waiting area. Wala naman masyado'ng tao kaya kahit bagahe ni Baby ay naka patong sa upuan. Plano ko na hintayin ko na lang na maka alis man lang sya pang bawi.

Ten minutes pa lang yata nang magsimulang tumawag ng tumawag si Julian sa cellphone ko.

Well, naka save sa akin number nya pero hindi nya alam iyon. Sasabihin ko na lang na hindi ko kilala yung number kaya di ko sinasagot. Wicked.

Five calls na hindi ko sinagot, then maya maya puro messages naman.

Makikipag break ka lang, ang tagal pa.

Hurry up! I don't like waiting.

Katrina San Sebastian!

Damn it! Where are you?

Gusto ko'ng matawa. Kung di sya nagsabi ng NO STRINGS ATTACHED iisipin ko na may gusto to sa akin eh tapos nagpapaka possessive. Nakakakilig na sana eh.

"Ate, mukhang may nangungulit sayo. May schedule ka ba? Mauna ka na, okay lang ako. Thirty minutes na lang naman." Maya maya ay sabi ni Baby.

Napa nguso ako. "Gano'n ba? Pasensya na ha. Yung magiging amo ko 'to. May usapan kasi kami. Are you sure you'll be fine?"

Tumango lang si Baby tapos nag smile.

I hugged her once more tapos nagpaalam na ako.

I dialled Julian's number then called him.

"Sino ba 'to?" Natatawa ako sa ginagawa ko.

"Oh. What game are you playing now, Katrina?" I felt the hostility in his voice.

Bigla ay natakot ako. "S-sorry. Hindi ko naman kasi kilala to'ng number kaya di ko sinasagot."

"Nasa parking lot ako. In five minutes nandito ka na." Yun lang at pinutol na nito ang linya.

The Unlikely Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon