Instagram.com/theellestrange
Twitter.com/ellestrangewp
------------
"Ate.. sagutin mo na yan. Mag usap na kayo."
Hindi ko pinansin yung sinabi ni Kevin. Ipinagpatuloy ko lang ang pag aayos ng sarili ko sa harap ng salamin. It's my second day to go out, exactly fifth day since the inevitable happened. The first three days was agonizing, and it was never better.
The first day, hindi ako lumabas. Hindi ako makausap ni Kevin. Pagkauwi ko galing sa condo ni Reiza, tulala na lang ako. Umiyak lang ako ng umiyak doon, all i told Reiza was nag away kami ni Julian. She comforted me. Gusto ko'ng sabihin kay Reiza ang lahat, pero hindi ko alam kung bakit pinoprotektahan ko pa din si Julian.
Deep inside me, inisip ko na susundan nya ako. Susuyuin. Magpapaliwanag.
Although alam ko sa sarili ko na kapag nangyari iyon, sa sobrang galit ko ay hindi ko pa rin sya mapapatawad. But at least he should try.
But damn. Mabaliw baliw ako the second day. I miss Julian so damn much pero galit ako sa kanya. Hindi din mapakali si Kevin. Hindi ko sya kinakausap. All the self pity shrunked into me. Half of me wanted him to come to me, magmakaawa. I wanted to make him suffer.
But it never happened.
Third day became the worst. Naglango ako sa alak, gusto ko sya makalimutan. Naka mind set na sa akin na wala na talaga. Minumura ko sya ng minumura sa isip ko. Bakit sya pa kasi?
The next morning, i had a different view. Suddenly, na realize ko na lang na hindi nya ako hinabol. He did not even called. Tangina lang. Ganoon na lang? Sinabi nya na mahal nya ako.. Naramdaman ko naman pero.. Shit.
Lumabas ako ng bahay noon, nagliwaliw. Naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko sya.
That's when he started to call.
And i ditched all of it. Kung kailan hindi ko na inaasahan na tatawag sya, tsaka lang? After what. four days? Bullshit. I turned off my phone. Sobrang ang sakit. Pakiramdam ko sinasaksak ako sa dibdib sa tuwing naiisip ko yung napanuod ko.
And now's the fifth day. Nagising si Kevin sa ingay ng cellphone ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at pinatay ulit.
"Ano ba kasi problema nyo? Para naman kayong mga bata. Magpapakasal na kayo tapos ganyan. Tsk." Napapailing pa na sabi ni Kevin bago muling humiga at nagtakip ng unan.
Hindi ko ulit sya sinagot. Nagwisik na ako ng pabango tapos kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. I made sure na mukha ako'ng presentable so nobody can tell how broken and shattered i am inside. I needed to feel better. Walang patutunguhan kung magmumukmok ako.
Wag lang sana ako tawagan nila Mama at Papa. Hindi ko alam gagawin o sasabihin ko. I needed sometime alone. Naisipan ko na din bumili ng sasakyan. I'll be needing it from now on. Wala na akong aasahan na susundo o maghahatid sa akin. Wala na mag iinsist na samahan ako. Damn. All of the things i do for the past days was with Julian. Paano ako agad makakapag move on?
I started loving him way back. And because of our stupid unlikely business, mas lalo ako nahulog. And it got us here. Hindi naman ako nagsisisi sa lahat. At least i got to feel Julian loving me back.
Pinagbuksan na ako ng pinto ng guard. Hinawi ko ang buhok ko at naglakad sa parahan ng taxi when i spotted a familiar car. Napamura ako ng makita ang plate number.
Iniba ko ang tingin ko at nag hintay ng cab na walang laman.
Lalo ako napamura ng bumukas ang pintuan noon. I wasn't looking but i was just seeing him in the corner of my eyes. Naka suit and tie sya. Sigurado ako na si Julian iyon. Naglalakad sya palapit sa akin. Pakiramdam ko naging jell-o bigla ang tuhod ko.
BINABASA MO ANG
The Unlikely Business (Completed)
Художественная проза[18+] PUBLISHED UNDER RED ROOM. Available in National BookStores and Precious Pages Bookstore. -------------- Instagram.com/theellestrange Twitter.com/ellestrangewp