chapter 3

13 3 0
                                    

Manami's POV

Nandito kami ngayon sa training room. Malamang Magt-training kami dito.

"Ok, bubunot kayo dito kung sino ang magiging partner nyo sa pagt-training, ok?" Nagsitango naman kaming lahat sa sinabi ni ma'am.

Bumunot na ako. Agad ko namang binuksan yon. Number..... 13..... Sino kaya ang kapartner ko?

"Oy, manami sino nabunot mo?" Tanong ni Shia. Nakiusyoso nadin sila mark.

"13 ka? Sayang di mo kami kapartner..." Malungkot na sabi ni Sarah.

"Kayo?" Nakita ko naman si yoshida na nakatingin sa papel nya na parang naiinis.

"6 ang akin eh." Sabi ni poison. Nagulat kami ng magreact si Shia. Mukang plinano nila to ah.

"Oh my gosh!!! Ibig sabihin kapartner kita??" Gulat na gulat nyang tanong.

"Obviously..." Sabi ni poison tsaka bumaling kila mark. "Ikaw pre, anong number?"

"27." Nakita ko ang pagtulala ni Sarah.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahh!!!! Bakit ikaw pa!!?? Bakit??!! May nagawa ba akong Mali!!?? Bakit ako pinaparusahan ng ganito!!??"

"Sarah ok na, masyado ka nang oa." Sabay na sabi nila poison at Shia.

"Pero guys, kung ako kapartner ko si Sarah, at si poison kay Shia..." Tumingin sya sakin at tsaka bumaling ang tingin nya kay yoshida. "Ibig bang sabihin kayo ang magkapartner??" Napalingon naman ako kay yoshida na kalmado lang na nakatingin sakin.

"Anong number ka ba?" Sabi ni Sarah.

"13."

Napanganga na lang ako dahil sa sinabi nya sakin. OMG!!!!!!!!!!!! Bakit sya pa!!!!! Bakit!!!!! Bakit!!!!! Baka mamatay na ako!!!!!!

"Ooooooyy, yiiieeeh!!!" Tukso nila.

"She's not agatha." Nanahimik naman sila mark dahil sa sinabi ni yoshida. Tama nga si Shia, hindi pa nakakamove on tong si yoshida.

Naglakad naman paalis si yoshida. Nami-miss na kaya nya yon?? Siguro naman, dadating ang araw na makakamove-on sya kay agatha.

"Yari kayo mark!!" Narinig kong sabi ni Shia. Tumingin naman ako sa kanilang apat.

"Bakit kami!!" Palag naman ni mark.

"Inasar mo kasi eh..." Sabi naman ni Sarah.

"Eh, nang-asar din naman kayo ah!!" Sigaw ni poison kila Sarah.

"Kayo pa rin nag-umpisa!!" Sabi naman ni Shia.

Tumalikod na ako tsaka pumunta sa garden. Tapos na din naman ang combat class. Nagbunutan lang talaga.

Nakita ko naman si yoshida na nakaupo sa ilalim ng puno, tapos nakapikit sya... Lumapit naman ako sa pwesto nya tsaka tumabi sa kanya.

"Anong kaylangan mo?" Tanong nya.

"Wala lang. Naalala ko lang yung sinabi mo kagabi." Sabi ko. Nakita ko ang pagdilat nya.

Ngumiti ako sa kanya. Tinitigan nya lang ako na parang may nagpa-flashback sa isip nya.

"Kamuka mo talaga sya...." Sabi nya. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Sino?"

"Si agatha. Kamuka mo talaga sya ng ugali." Ay! Akala ko ng muka eh. Kung kamuka ko yun, naku dyosa!! Wahaha.

"Naalala mo ba sya sakin?" Tanong ko. Eh kamuka ko daw ng ugali eh!! Malay mo, na-aalala nya si agatha sakin!!!

Nakita ko ang pagtango nya. "Sorry." Mahina Kong sabi. Baka kasi nasasaktan at na-aalala nya ang mga memory nila ni agatha nung nandito pa sya dito.

"Wala kang kasalanan. Matagal na akong nakamove on. Akala lang nila hindi pa." Mahina nyang sabi.

"Alam mo, narealize ko kagabi ang katotohanang hindi ko na makikita ang kuya ko. Habang buhay...." Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ba tuwing malapit sya tsaka ako naiiyak!! Bakit!!!

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. "You can call me andrei." Sabi nya sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Take note: nakayakap pa rin sya sakin.

"Ok lang sakin. Andrei na ang itatawag mo sakin." Sabi nya sakin. "Tomorrow, 1:00 pm, training." Sabi tsaka kumalas ng pagkakayakap. Nakalimutan kong sabihin. Monday, Tuesday at Friday lang ang pasok namin. Pabor naman ako don, sa mortal nga moday to Friday ang pasok eh.

"Bakit may training agad!!" Tanong ko. Imbes kasi na mag-saya ako bukas, ayan Magt-training ako kasama tong ugok na to!!

"Because your mom said so." Napa-pout naman ako dahil sa sinabi nya. Grabe talaga si mommy!!!

"Haha, your so cute." Sabi nya sabay kurot sa pisngi ko. Ako naman dito nakatulala lang. Hindi lang kasi sya ngumiti, tumawa pa sya!! May himala pala talaga.

"Si sungit tumawa..." Bulong ko. Tumingin naman sya sakin ng masama.

Ang ganda kaya ng tawa nya!!! Grabe!!! Ang sarap pakinggan!!!

"T-tumawa ka nga uli!!! Please!!! Ang ganda ng tawa mo!!!" Nakita ko naman ang pagngiti nya sakin. "Uuy, ngumiti na si sungit!! Hehe." Sabi ko sabay tusok tusok sa tagiliran nya.

Alam Kong ang FC ko pero... Ang gaan ng Pakiramdam ko sa kanya. Tsaka kilala naman na sya nila mommy.

Yoshida/Andrei POV (short)

Hindi ko alam kung bakit ko pinayagan na tawagin nya akong andrei. Hindi ko alam kung bakit ako tumatawa at ngumimgiti ngayon. Basta ang alam ko, gusto ko syang maging kaibigan.

Sarah POV

"Guys hanapin natin sila manami Dali!!" Sigaw ko. Kanina pa kasi namin sila hinahanap. Hindi pumasok yung dalawa sa afternoon class eh.

"Kayo na lang. Tinatamad ako eh!!" Binatukan ko naman si poison.

"G*go, hahanapin lang naman natin sila eh!!" Sabi ko.

"Hayst, dami pang dada. Kung kanina pa tayo maghahanap edi sana tapos na tayo ngayon!!!" Sigaw naman ni Shia.

"Tara na nga!!" Sabi ni poison sabay hila ng damit ni mark na kanina pa nakadukdok sa table. Nauna na silang lumabas at rinig na rinig ko ang pagpalag ni mark.

"Bitawan mo nga ako!! Huhuhu!! Mommy!!!" Nagkatinginan kami ni Shia sabay sabi ng....

"Minsan iniisip ko na bakla si mark."

Natawa naman kami parehas tsaka naglakad paalis. Nakalimutan Kong sabihin katatapos lang ng klase namin.

Kung saan saan na kami naghanap pero wala pa rin!!

"Guys, sa garden kaya?" Suggest ni Shia. Nagsitanguan naman kami tsaka tumakbo papuntang garden.

Ako ang nangunguna syempre!! Pero napatigil ako ng makita ko silang dalawa.

Naramdaman ko naman ang pagbunggo nilang tatlo sakin!!

"Aray!!" Saing nilang lahat. Pero wala akong care.

"Bakit ka ba tumi---" alam Kong nakikita nila ang nakikita ko.

"Si yoshida, ngumingiti at tumatawa na!!!" Masayang sabi ni mark.

"Matagal din nating hindi na kita yang ngiting yon ah..." Narinig kong sabi ni Shia.

"Si manami lang pala ang sagot." Sabi naman ni poison.

"Oh my, naiiyak ako!!"

"Tigilan mo nga yang kabaklaan mo mark!!" Rinig Kong sabi ni poison.

"Grabe ha, hindi ba pwedeng umiyak ang mga lalaki. Tsaka anong bakla!! Sa pogi Kong to. Sayang lang pag naging bakla ako!!" Sabi nya.

"Hangin!!" Sabay naming sabi ni Shia.

"Si Shia ang may kapangyarihang hangin hindi ako!!" Sabi nya. Napa-face palm na lang ako.

"Hindi lang pala mahangin, slow pa!!" Sabi ko naman.

"Huh? Ah." Sabi nya. Nakita ko naman ang pagtayo nila yoshida.

"Tara na..." Yaya ko.

Mukang may bagong love team ah...

Save The KingdomsWhere stories live. Discover now