chapter 11

1 1 0
                                    

Manami's POV

Hmm, good morning. Napatingin ako sa tabi ko. Wala na sya, siguro maaga syang gumising kanina.

"Good morning guys....." Sabi ko pagkalabas na pagkalabas ko. Nakita ko silang kumakain ng biscuit.

"Cess." Nilingon ko naman ang tumawag sakin. Sino pa ba ang tatawag sakin ng cess? Eh si drey lang naman ah. "Here, kainin mo." Naramdaman ko ang pagpula ng muka ko.

"May baon naman ako...." Sabi ko.

"No, dinala ko lang talaga yan para sayo." Sabi nya sabay bukas ng binibigay nyang biscuit.

Itinapat nya ito sa bibig ko na para bang sinusubuan ako. Kinagat ko naman yon.

"Nga pala drey, malapit na ba tayo sa crystal Forest?" Tanong ko. Hindi ko naman aakalain na aabutin kami ng ilang araw sa pagpunta don. Kaya pala pinapadala kami ng tent.

"Medyo..." Ang ganda ng sagot nya.

"Guys, ihanda nyo na yung mga jacket nyo! Malapit na tayo...." Sigaw ni Shia na nakatingin sa mapa habang kumakain.

"Yun naman pala eh!" Sabi ko sabay tayo. Pupunta akong tent.

"Oy, ligo muna tayo....." Rinig Kong sabi ni Sarah.

"Bakit hindi ka ba naligo nung umalis tayo?" Asar naman sa kanya ni mark. Mag aaway na naman tong dalawang to.

"Naligo!" Sigaw naman ni Sarah.

"Eh bakit ang baho mo!!" Lumabas naman na ako ng tent. Nakita ko ang pagamoy ni Sarah sa sarili nya.

"Hindi naman ah!!! Sinungaling ka!!!" Sigaw naman ni Sarah.

"Kesa naman sayong pa-asa...." Narinig Ko yon!!!!

"Hoy, anong binubulong-bulong mo dyan?!"

"Wala! Ang sabi ko ang PANGET MO!!!!" inis na sabi ni mark. Hmm, mukang malapit ng samabog ang isa ah.

"Ako pa talaga panget ha!!"

"TUMIGIL NA NGA KAYO!!!!" Sabay na sigaw nila drey at ni poison. Haha.... Talagang sabay.

Inirapan na lang ni mark si poison. Oo si mark ang nang-irap hindi si Sarah.

Napatingin naman ako sa dalawang bata. Naglalaro lang sila sa CP nila. Tsk, mga bata nga naman.

"Haaayy, Tara na nga! Baka abutin pa tayo ng isang linggo dito...." Sabi ni Zhan.

Nangunguna si Shia, kasi nga sya ang may hawak ng mapa. Tapos mag kasabay si drey tsaka si poison. Magkausap sila ni poison. Tapos si mark at si Sarah na nagtatalo. Mukang lagi na lang silang magtatalo. Kasabay ko naman sila aris at si Zhan.

"Tide...." Tawag ko Kay tide. Nakita ko naman ang pagsimangot nya. Why si cute!!

"It's aris, not tide!" Inis na sabi nya.

"Edi aris!" Napatingin naman ako kay Zhan.

"Zhan, maganda na ba ang ate mo?" Napatingin sya sakin.

"Ewan ko...." Aba! Mana mana lang ah! Galing sumagot nitong lalaking nito ah! Parang kapatid nya lang! Sa lahat ba naman ng mamanahin nya sa ugali ng ate nya ay yung pagkamasungit pa!!!

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Shia. "T-tulong!!!" Nakita Kong pilit nyang tinitira ang sanga ng puno kung saan sya nakasabit. Pero lahat ng tira nya ang sumasablay dahil magalaw sya.

Nakapulupot kasi sa binti nya ang sanga.

Nagulat din ako ng may humatak sa binti ko. Ano ba namang klaseng mga puno ang nandito.

Save The KingdomsWhere stories live. Discover now